^

PSN Showbiz

KC aminadong protektado pa rin si Paulo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay napabalitang nagkaroon ng tampuhan sa pagitan ng mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion. Ayon kay KC ay nagkaayos na sila ng Megastar nga­yon. “My mom and I are very good. The communication lines are open. Parang after ng lahat, parang sabi ko, ‘Mom we are at a time in our lives na hindi na pwede ‘yung kung may tampuhan, ‘di mag-uusap,’ Sabi ko, ‘Mag-usap tayo.’ I love her so much, she knows that and we all love her and want her to be happy. We want the best for her. So we want to do our best for her,” pagbabahagi ni KC.

Nagbigay din ng reaksyon ang dalaga tungkol sa pagkakaayos ng dating kasintahan na si Piolo Pascual at Sharon. “I was there, very personal, pero I’m at peace. I’m very happy that it happened. Time truly does heal wounds. At pinag-pray ko ‘yun and I’m sure pinag-pray ni Piolo ‘yun na there was some glue that just brought us together and I’m just happy for that moment,” pahayag ni KC.

Samantala, may bulung-bulungan na nagkabalikan diumano ang aktres at si Paulo Avelino. “No, Paulo and I, as he said probably have this special connection that won’t ever disappear. Sabi ko nga parang until kung ano’ng mangyari sa ating dalawa nandiyan tayo for each other. Poprotektahan ko siya and I think same for him, he will always protect me,” giit ng dalaga.    

Robin iba na ang gustong gawin sa career

Nagbalik na sa Kapamilya network si Robin Padilla. Noong Miyerkules ay muling pumirma ng kontrata ang aktor sa ABS-CBN.

Ibang tema na raw ang gustong gawin ni Robin ngayon sa muli niyang pagbabalik sa telebisyon. “Ang napag-usapan lang namin ng ABS (CBN) ‘yung family-oriented. Gusto ko talaga ay may anak ako, ‘yung mga values ng mga Pilipino,” nakangiting pahayag ni Robin.

Matatandaang nakapag-host ng noontime show ang aktor noon kung saan sila nagkakilala ng asawang si Mariel Rodriguez. Muli kayang magiging bahagi ng noontime show si Robin ngayon? “Ako, kung ano ang ibibigay ng ABS (CBN) kaila­ngan kong gawin. Nasubukan ko na ‘yan eh. Enjoy ‘yan eh, tsaka ang noontime kasi napakalapit sa tao. ‘Yan ang isang bagay na naranasan ko no’ng ako ay nag-noontime sa buong daigdig ng ABS-CBN. Hindi ko ipagpapalit ‘yun eh,” makahulugang sagot ng aktor.

Wala rin daw problema kay Robin kung muli niyang makakatrabaho ang dating kasintahan na si Sharon Cuneta. “Oo naman, pero kung magtatrabaho kami, sana ‘wag na ‘yung mabigat. Light drama gano’n or ‘yung may mga anak na kami,” giit ni Binoe.

Masayang-masaya rin ang aktor dahil namamayagpag ang career ng mga pamangking sina Daniel at Bella Padilla kaya nangangarap ding makasama ang mga ito sa proyekto lalo na ang Teen King. “Ay! Na kay Daniel na ‘yun eh. Siyempre ‘yung pamangkin ko yata ang pinaka-busy sa lahat ng busy. Ako eh isang patawag lang niya nandiyan na ‘ko. Lagi naman akong nakasuporta sa kanya. Gugulpihin ako ng tatay no’n kapag hindi. Mas matanda sa akin si Omeng (Rommel Padilla),” natatawang pahayag ni Robin.

ACIRC

ALIGN

ANG

BELLA PADILLA

LEFT

MARIEL RODRIGUEZ

NOONG MIYERKULES

PAULO AND I

QUOT

SHARON CUNETA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with