Maine kung in love na kay Alden: Sa amin na lang po 'yun
MANILA, Philippines – Sa kabila ng mga umaasang magkatuluyan silang dalawa, “good friends” pa lamang ang status nina Maine “Yaya Dub” Mendoza at Alden Richards.
“Ngayon po kasi, kinikilala pa lang namin ang isa't isa. Right now, very good friends po kami, wala pong halong showbiz yun. As in, good friends po kami ngayon,” wika ni Maine sa press conference ng pelikula nilang “My Bebe Love.”
Tinanong din si Maine kung nahuhulog na ba ang loob niya kay Alden at sumagot lamang siya ng “Sa amin na lang po ‘yun.”
Higit isang buwan pa lamang nagkakilala ng personal sina Maine at Alden matapos ang kanilang pagkikita sa “Tamang Panahon” concert sa Philippine Arena noong Oktubre.
Sa kanilang panayam sa BBC News, sinabi ni Maine na bukas siya sa posibilidad na magkatuluyan sila ni Alden.
“Wala naman pong imposible. ‘'Wag na lang po natin pangunahan. Tignan na lang natin sa future kung ano ang mangyayari sa amin.”
Makakasama nina Maine at Alden sa My Bebe Love: #KiligPaMore sina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas.
Ito ang unang acting project ni Maine matapos siyang makilala sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga.
- Latest