^

PSN Showbiz

Angel, Sarah, at Anne absent sa X-mas special ng Kapamilya!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi maiiwasang ‘di mapansin ng mga manonood ng TV sa Disyembre 19 & 20, sa pagpapalabas ng Thank You for the Love Christmas Special ng ABS-CBN na may ilang Kapamilya artists ang hindi nag-perform at walang kontribusyon sa nasabing presentation. Tulad ni Angel Locsin na ayon sa kanyang manager na katabi lamang namin ng upuan sa Araneta Coliseum kung saan ginanap ang show ay nasa Singapore raw. Pero wala akong matanong na taga-ABS-CBN habang ako ay papalabas na ng venue mula sa panonood ng masayang palabas na tinampukan ng halos lahat ng artista ng network kung nasaaan at bakit wala si Anne Curtis na kapansin-pansin dahil siya lamang ang absent sa mga host ng It’s Showtime. Nag-magic sina Eruption at Ryan Bang. Nagsayaw sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, bumitin sa ere sina Billy Crawford at Coleen Garcia, ganundin si Karylle. Nagpaiyak naman si Vice Ganda kasama ang kanyang ina, pero si Anne ay wala. Hanggang sa makatapos ang programa ay hinintay din ang pagkanta ni Sarah Geronimo, pero ni anino niya ay hindi rin nakita.

Magaganda ang lahat ng production number na sinaksihan ng mga bossing ng network sa pangunguna nina Gabby Lopez at Charo Santos-Concio.

Napakaswerte naman ng kasama sa Big 4 ng Pinoy Big Brother (PBB) 737 na si Tommy Esguerra dahil kasama siya sa number ng mga Kapamilya leading men na sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Sam Milby, Jericho Rosales at John Lloyd Cruz.

Sa number ng mga biritera ng istasyon nina Morisette, Klarisse, Kyla, at Angeline Quinto, kulang man sa birit si Toni Gonzaga bumawi naman ito sa napakaganda at napaka-sexy niyang costume.

Samantala, dapat mag-isip-isip na sina Daniel Padilla at Enrique Gil dahil pinakamatunog ang palakpak na isinalubong kay James Reid at sa kapareha niyang si Nadine Lustre ng SRO audience ng coliseum. Hindi mo naman masasabing dahil lang may tumatakbong serye silang On The Wings of Love dahil may Pangako Sa ‘Yo rin naman si Daniel. Undoubtedly, walang tatalo kina Maja Salvador at Enrique pagdating sa sayawan. Naroon din at nagpakilig ang tamabalan nina Kim Chiu at Xian Lim maging sina Julia Barretto at Kenzo Gutierrez.

Watch out din tayo kay Onyok, hindi siya nagpahuli sa number nila ni Coco Martin.

May prod din ang Your Face Sounds Fami­liar kasama sina Eric, Kean Cipriano, Denise Laurel, Melai Cantiveros, Jed Madela, Myrtle Sarrosa, Maxene Magalona at Nyoy Volante. Si Karla Estrada at si KC Concepcion naman ang kasama sa production number ng Bituing Walang Ningning.

Walang hahanapin ang mga manonood sa mga bata at matatandang Kapamilya artist, present silang lahat from Richard (Yap, Poon, and Gomez) to Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Darren Espanto, JK Labajo, Lyca Gairanod, Bamboo, Elha, Gary V, Pokwang, Agot Isidro, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Bailey May, Ylona Garcia, Marco Masa, Jana Agoncillo, Yeng Constantino, Matteo Guidicelli, at JayR.

Lahat sila andun, matangi kina Anne, Sarah, at Angel.

Kris at Derek may ginawang mortal sin!

Absent din sina Kris Aquino, Derek Ramsay, at Bimby Yap sa presscon ng All You Need Is Pag-ibig. Mortal sin na wala ang mga talagang bida sa presscon ng kanilang movie. Walang paliwanag mula sa mga tao na nasa likod ng pelikula.

Katulad ng pagsisimula ng paggawa ng All You Need Is Pag-ibig na ilang ulit nagpalit ng artista, kontrobersyal pa rin ang pelikula tungkol sa iba’t ibang klase ng pag-ibig na isinulat at idinirek ni Antoinette Jadaone.

Klinaro niya na hindi nagbago ang kwento ng movie, mga artista lamang. Magpapakita ito ng iba’t ibang uri ng pag-ibig - mula sa puppy love hanggang sa unrequited love, pagmamahal sa pamilya hanggang sa pag-ibig na inaasam, at mula sa pag-ibig na naglaho hanggang sa pag-ibig na manhid.

Kaya siguro ayaw aminin si Dennis Jennylyn ayaw nang umasa sa forever

Hindi pala naniniwala si Jennylyn Mercado sa forever. Naniniwala siya na ang lahat ay may katapusan, maging sa pag-ibig lalo’t pinaghihiwalay ang nag-iibigan ng kamatayan. Pero ang Walang Forever ay inaasahan ng lahat na mapapantayan kundi mauungusan ang kita sa takilya ng English Only, Please dahil kilala ang mga Pinoy bilang hopeless romantic.

Kung ang EOP ay hindi nilagyan ng direktor ng maiinit na love scenes, meron nito sa Walang Forever. Pumayag si Jennyyn dahil kailangan sa kuwento tungkol sa isang web developer at isang comedy writer na nilagyan ng mga kilig moments, hugot dayalog at romansahan.

Kasama rin sa movie sina Jerald Napoles, Nico Antonio, Pepe Herrera, Cai Cortez, Kim Molina, Juan Miguel Severo, Sebastian Castro, Myke Salomon, Patrick Sugui, at Lorna Tolentino.

Cristine sinusubukan pa rin ang dyowa?

Sana nga ang mapapangasawa ni Cristine Reyes ay magkakaro’n ng labis na pagmamahal sa kanya para mabilis silang maka-adjust sa isa’t isa. Sinabi mismo ni Cristine ang mga inaasahan niyang pagbabago sa kanyang mapapangasawa ay medyo mahirap gawin, pero kung talagang mahal siya nito ay gagawin ang makakabuti sa kanilang pagsasama.

ACIRC

AGOT ISIDRO

ALL YOU NEED IS PAG

ANG

IBIG

KAPAMILYA

MGA

NBSP

PAG

SINA

WALANG FOREVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with