^

PSN Showbiz

Uge at Michael V luhaan sa Asian Television Awards

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sariling gastos ni Eugene Domingo ang pagpunta niya sa Singapore noong nakaraang linggo para dumalo sa Asian Te­levision Awards dahil nominated ang kanyang game show na Celebrity Bluff.

Hindi man nag-win ang Celebrity Bluff sa Best Game Show or Quiz program category ng Asian Television Awards, malaking karangalan na nominado ang original Pinoy game show ni Eugene.

Kasama ni Eugene sa Singapore si Michael V. na nominated sa Best Performance by an Actor. Hindi rin nag-win si Michael V. pero hindi ito isyu dahil past winner siya ng Asian Te­levision Awards at taun-taon, nominado ang star ng Pepito Manaloto.

Duterte type ligawan ang kapatid nina Roman at Mons

Kasali ang pangalan ni Congressman Roman Romulo sa mga senatorial candidate na susuportahan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Papa Rudy sa kakayahan ng asawa ni Shalani Soledad na maglingkod sa bayan dahil walang bahid ng corruption ang panunungkulan niya bilang house representative ng Pasig City.

Hindi totoo ang mga tsismis na kasali si Papa Roman sa mga senatoriable na susuportahan ni Duterte dahil kapatid siya ni Berna Romulo.

Hindi itinatanggi ni Papa Rudy na crush niya si Berna at ito ang type niya na maging First Lady kung magiging presidente siya ng Pilipinas.

Tinanong noon si Mons Romulo tungkol sa isyu at ayon sa kanya, crush lang ni Papa Rudy ang kanyang kapatid. Hanggang doon lang. No more, no less.

Si Mama Mons ang papalit sa puwesto na mababakante ni Papa Roman, kung papalarin siya na manalo sa eleksyon sa 2016. Nagsimula nang mag-ikot sa Pasig City si Mama Mons para ipakilala ang sarili niya.

Ipinagdasal ni Mama Mons ang desisyon na sumabak sa public service na suportado ng kanyang mga anak. 

Hiwalay sa asawa ni Mons pero mismong ang mga anak niya ang kumukum­binsi sa kanya na magkaroon ng boyfriend.

Sumusumpa si Mama Mons na never ito na nakipagrelasyon mula nang mag-babu siya sa kanyang asawa na sumakabilang-bahay.

Kahit nagsara na aktres ibinaon na sa limot ang utang sa department store

Nagsara na ang isang department store pero hanggang ngayon, hindi pa rin bayad ang aktres sa mga inutang nito na mga kagamitan sa bahay na ipinang­regalo niya sa mga kaibigan.

Halos P40,000 ang utang ng aktres na hindi man lamang nakonsyensya na bayaran ang obligasyon niya.

Hindi na siya naawa sa mga tauhan ng department store na personal na pumunta sa kanyang bahay para i-deliver at i-gift wrap ang mga houseware items.

Ilang beses nang binalik-balikan ng representative ng department store ang aktres para singilin ito pero palaging wala siya sa bahay. 

I’m sure, sinadya ng aktres na pagtaguan ang naniningil sa kanya dahil napakadali naman na mag-iwan ng tseke na pambayad, kahit madalas na nasa labas siya ng bahay.

Dantes family, umapir sa environmental docu

Na-outscoop ng environmental documentary na 2Degrees: Panahon Na, ang ibang mga television program dahil lumabas sa naturang show ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang anak nila na si Maria Letizia.

Si Jiggy Manicad ang host ng 2 Degrees na napanood sa GMA 7 noong Linggo.

Ipinakita sa 2 Degrees ang Dantes family dahil bahagi si Letizia ng speech ni Dingdong nang dumalo ito sa Paris Climate Summit noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Dingdong na umapir siya sa Climate Conference bilang representative ng kanyang anak na si Maria Letizia at gaya ng ibang attendees, naroroon siya para sa kanilang mga anak.

 

ACIRC

ANG

ASIAN TE

CELEBRITY BLUFF

DUTERTE

HINDI

MAMA MONS

MGA

NBSP

PAPA RUDY

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with