Sam Pinto totodo sa TV5!
Hindi pa man nasisimulan ang teleseryeng gagawin ni Claudine Barretto sa TV5, may pagbabago na agad sa cast. Unang nabalitang kasama si Derek Ramsay, pero napalitan siya ni Diether Ocampo.
Nabalita ring makakasama ni Claudine sa Bakit Manipis ang Ulap si Jasmine Curtis-Smith, pero ang latest, out na rin ito sa cast. Nabalitaan naming sa Panday na isasama si Jasmine at isa siya sa three leading ladies ni Richard Gutierrez.
Mauuna raw gagawin ang Panday sa Bakit Manipis ang Ulap, kaya dito na isasama si Jasmine. Dalawa pa sa makakapareha ni Richard sa Panday, sina Sam Pinto at Sarah Lahbati. Tatapusin lang daw ni Sarah ang teleserye niya sa ABS-CBN at papasok sa Panday.
Ang hindi namin naitanong sa aming kausap ay kung tuluyan nang lilipat si Sam sa TV5. Nag-guest na ito sa Happy Truck ng Bayan at may isa pang show ng TV5 na guest siya. Bubble Gang lang ang show ni Sam sa GMA 7, pero wala siyang network contract sa Kapuso Network at wala rin siyang kontrata sa GMA Artist Center. Sa Viva Artist Agency siya nakakontrata, kaya posible ngang lumipat na siya sa TV5.
Isa ang Panday sa mga bagong show ng TV5 na na kagagawan ng Viva thru Vic del Rosario. Si Carlo J. Caparas ang director nito at first regular show ni Richard sa TV5. Ibig sabihin, Kapatid artist na talaga siya!
Luis at LJ shocking ang pumping scene
Kasama ni Luis Alandy ang non-showbiz GF sa special screening ng Anino Sa Likod ng Buwan kung saan may 10-minute love scene ang aktor kay LJ Reyes. Biniro namin si Joselle Fernandez (name ng GF) kung hindi siya na-shock sa mga eksena ng aktor at kundi nagtakip ito ng mga mata.
Bukod sa pumping scene nina Luis at LJ, marami silang torrid kissing scene at may eksena pang nagpakita ng puwet ang aktor at eksenang nakaibabaw siya kay LJ. Pero sabi ni Joselle, ikinuwento na sa kanya ni Luis ang mga eksenang mapapanood at alam niyang aktor ang BF, kaya hindi na siya na-shock.
Hindi ang love scene ang tatatak sa isip ng manonood ng pelikula kundi ang husay ng tatlong cast. Ang ganda ng pelikula at husay na director ni Jun Lana. Kasama nina Luis at LJ si Anthony Falcon na hindi nagpakabog sa dalawang kasama.
Pero ang husay ni LJ ang mas mapapansin, two hours na tuluy-tuloy siyang umaarte at ang hahaba ng dialogue na perfect niyang nai-deliver. Kaya sayang ang tsikang may tampo sa aktres si direk Jun dahil hindi niya sinusuportahan ang movie.
Kaya sa stage adaptation ng Anino Sa Likod ng Buwan na ipalalabas sa Russia at dito sa Pilipinas, ligwak na si LJ at papalitan siya ni Mercedes Cabral, pero sina Luis at Anthony ay kasama pa rin.
Four days lang kinunan ni direk Jun ang movie at sa studio lang ang location nila, pero ang ganda-ganda ng movie. May chance kayong mapanood ang pelikula sa January 18, 2016 sa UP Film Center.
- Latest