Sarah expected na hindi sisiputin ni Matteo
Kung dumating sa concert ni Matteo Guidicelli si Sarah Geronimo, wala naman ang una at hindi nakita sa concert ng kanyang nobya. Pero siguro expected na ito ng Pop Princess kaya hindi siya na-rattle o ninerbyos at naging peaceful ang performance sa kabuuan ng show.
Nag-mature na nga talaga si Sarah. Nagpakita na ito ng skin sa dalawang gabing palabas niya. At hindi slits, huh, kundi sa pagsusuot ng shorts. At talagang seksi siya! Maganda ang pangangatawan niya at kung ni-require siyang magpasilip ng cleavage baka pati ito ay ginawa niya.
Julia totohanan na ang pagmamaldita
Paano ba naman iaasa ni Julia Barretto ang kinabukasan ng karera niya sa bagong teleserye, eh kontrabida nga siya sa istorya? Sobrang salbahe nga niya kay Miles Ocampo.
Siyempre magagalit sa kanya ang manonood. Not even if she’s good, magagalit pa rin sila sa kanya.
- Latest