^

PSN Showbiz

Manager ng mga banda ipinagduduldulan ang singer-actor kaya nilayasan ng ibang mga alaga

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtataka-nagtatanong kung bakit umalis na sa pangangalaga ng kanyang manager ang isang male singer. Matagal-tagal din silang nagsama, gumanda ang singing career ng bokalista ng banda nu’n, pero ngayon ay meron na siyang sariling grupo.

Ang tanong, mahirap magbuo ng isang bagong grupo pero bakit nga ba umalis ang male singer sa poder ng kanyang manager, ano ba ang naging problema nila?

Ayon sa kuwento ng mga may malalim na alam tungkol sa se­naryo ay napakabagal ng pag-unlad ng banda dahil may paboritong alaga ang manager.

“Ang dami-dami niya kasing hawak na banda, nasa kanya na yata ang mga bandang mabenta sa mga gig, pero mali ang mga diskarte niya. Binabarya-barya niya ang mga alaga niya.

“Kunwari, may kumukuha sa mga talents niya, ang nangyayari, e, ipina-package din niya ang iba pa para magkatrabaho ang iba pa niyang mga talents. Binabarat tuloy ang mga grupong hawak niya.

“Nagiging barya-barya na lang ang talent fee, samantalang kung bibigyan niya ng magandang atake ang pakikipagtransaksiyon, e, magiging masaya ang mga alaga niya,” kuwento ng impormante.

Isa pang itinuturong dahilan ng kanilang mga kasamahan ay ang mas ma­timbang na pagtingin ng manager sa alaga nitong singer-actor. Ito at ang vocalist ang magkaagawan sa mga shows dahil pareho silang malakas sa mga kabataan.

Ang singer-actor ang palaging isinusulong sa mga shows ng manager kahit pa ang umalis na bokalista sa kanya ang mas gusto ng show promoter-producer.

“Palaging ganu’n ang nangyayari, ‘yung paborito niyang actor-vocalist ang ini­rerekomenda niya instead na ‘yung isang bokalista, kaya para ano pa nga naman at magtitiyaga siya sa manager niyang may tinitingnan lang at may tinititigan?” madiin pang kuwento ng aming source.

Ubos!

Sheryl binubusog ng mura at galit dahil sa kanyang kaplastikan!

Marami na namang namba-bash kay Sheryl Cruz. Kung nakakain lang ang masasakit na salita ay siguradong palagi siyang dumidighay sa kabusugan.

Maraming nabuwisit sa singer-actress nang pakanta niyang itawid kina Manang Inday (Ms. Susan Roces) at Senadora Grace Poe ang kanyang mensahe ngayong Kapaskuhan.

Puwede raw naman niyang diretsong sabihin kung ano ‘yun, pero idinaan pa sa kanta ni Sheryl, OA daw talaga kahit kailan ang aktres. OA na raw siya sa pag-arte ay OA pa rin siya sa pagsagut-sagot sa mga tanong ng reporters.

At lalong kinabuwisitan si Sheryl nang magpakawala siya ng komento na sana raw naman ay huwag humantong sa disqualification ang mga kasong kinakaharap ngayon ni Senadora Grace.

Sabi ng isang basher, “Hunyango! Plastic! Pagkatapos mong sira-siraan si Senator Grace, ganyan pa ang sasabihin mo ngayon? Napaka-plastic mo, OA ka, mag-workshop ka uli!”

Minsan ay nasilip namin si Sheryl sa isang eksena sa Buena Familia. Kontrabida pala ang papel na ginagampanan niya. Papatayin niya sa eksena si Angelu de Leon pero pumalya ang hawak niyang baril.

Sigaw siya nang sigaw, pa­lagi siyang galit sa mga eksena, pinagdududahan naman siya ng mga anak ng kinakasama niya. Bagay na bagay kay Sheryl ang kanyang papel.

Pailalim siyang lumaban sa palabas, marami siyang galit sa dibdib, talagang si Sheryl Cruz nga ang nababagay sa papel ng isang babaeng may galit sa mundo. Tama ang pagkakapili sa kanya ng GMA 7 bilang kontrabida sa serye.

 

ACIRC

ANG

BUENA FAMILIA

MANANG INDAY

MGA

MS. SUSAN ROCES

NIYA

SENADORA GRACE

SENADORA GRACE POE

SHERYL

SHERYL CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with