Pinay nasungkit ang korona ng Miss Earth 2015
SEEN: Si Angelia Ong ng Pilipinas ang nanalo ng Miss Earth 2015 crown sa coronation night na ginanap kahapon sa Vienna, Austria. Si Ong ang successor ni Jamie Herrel ng Pilipinas, ang Miss Earth winner noong 2014.
SCENE: Mga runner-up ni Angelia Ong sina Thiessa Sickert ng Brazil, Miss Earth Fire, Brittany Payne ng USA, Miss Earth Water at Dayanna Grageda ng Australia, Miss Earth Air.
SEEN: Naririto sa Pilipinas ang mga tennis superstar na sina Serena Williams at Rafael Nadal para sa International Premier Tennis League na nagsimula kahapon sa Mall of Asia Arena at matatapos bukas, December 8.
SCENE: Ang balak ng Viva Films na gawin na Valentine’s Day offering ang Girlfriend for Hire, ang launching movie ng loveteam nina Yassi Pressman at Andre Paras.
SEEN: Ang meet-and-greet at book signing kahapon ni Michael V. sa Glorietta 5 para sa Bubble Gang Bible book.
SCENE: Ipinagdiriwang ngayon ni Derek Ramsay ang kanyang 39th birthday. 1976 ang birth year ni Derek, hindi 1979 na nakalagay sa Wikipedia.
SCENE: Si Piolo Pascual ang special guest ni Sarah Geronimo sa second night ng From The Top noong Sabado.
- Latest