^

PSN Showbiz

ASAP tinanghal na best musical show

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maagang pamasko ang handog ng ASAP 20 dahil papa­ngalanan na ang pinaka-pop na teen stars sa ASAP Pop Teen Choice 2015 ngayong Linggo (Dec 6).

Abangan kung sino sa mga sikat na teen stars ang hihira­nging Pop Teen Heartthrob, Pop Teen Sweetheart, Pop Teen Social Media Star, at Pop Teen Love Team.

Sabay din sa selebrasyon ng kapaskuhan ang pagbisita ng stars ng upcoming teleserye na And I Love You So na sina Miles Ocampo, Julia Barretto, Iñigo Pascual at Kenzo Gutierrez.

Huwag din palampasin ang grand Kapamilya welcome para kay Elmo Magalona.

Matinding rakrakan naman ang handog ng OPM band Kamikazee na dapat abangan ng mga manonood.

Matapos ang rakrakan, isang mellow jamming naman ang magaganap kasama sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Angeline Quinto, Kyla, Richard Poon at Daryl Ong sa ASAP LSS: Love Song and Stories.

Hindi naman magpapahuli si Luis Manzano sa pagbigay katuparan sa mga pangarap ng online sensation na Hype 5ive sa ASAP One Lucky Day.

Samantala, ginawaran ang ASAP 20 bilang Best Mu­sical Variety Show sa ka­tatapos lamang na 29th PMPC Star Awards for TV. Tinanggap nina Maja Salvador, Enchong Dee, Liza Soberano, Enrique Gil at iba pang stars ang para­ngal at lubos na nagpasa­lamat sa suporta ng mga manonood.

Huwag palalampasin ang ASAP 20 ngayong Linggo (Dec 6), 12:15 PM, sa ABS-CBN.

 

ACIRC

ANG

ANGELINE QUINTO

BEST MU

DARYL ONG

ELMO MAGALONA

ENCHONG DEE

ENRIQUE GIL

HUWAG

I LOVE YOU SO

JULIA BARRETTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with