^

PSN Showbiz

Vic, Vice at Kris, mainit na naman ang bakbakan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tiyak na magiging masaya na naman ang 2015 Metro Manila Film Festival dahil sa magkakahiwalay na pelikulang kalahok tulad ng My Bebe Love (#KiligPaMore) na tinatampukan nina Vic Sotto, AiAi delas Alas at ang hottest loveteam ngayon na AlDub nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza, ang Beauty and the Bestie na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Coco Martin with James Reid, Nadine Lustre at Alonzo Muhlach, All You Need is Pag-ibig nina Kris Aquino at Derek Ramsay, Walang Forever nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado, ang horror-comedy na Buy Now, Die Later na pinagbibidahan nina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, ang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz at ang Haunted Mansion na tinatampukan naman nina Janella Salvador at Marlo Mortel.

This early, marami ang nagpi-predict na maglalaban sa top 3 slot ang mga pelikula nina Vic Sotto at AiAi, Vice Ganda at Coco Martin ganundin ang pelikula nina Kris at Derek habang ang lima pa ang siya namang inaasahang pupuwesto sa No. 4 to 8.

Concert produ bigong makuha si Alden

Sa kabila ng malaking offer, hindi na matutuloy ang binabalak na Valentine major concert ni Alden Richards na ipu-produce sana ng That’s Entertainment alum­nus-turned concert-producer na si Joed Serrano na gaganapin sana sa Philippine Arena dahil magdyu-joint forces umano ang GMA at APT Entertainment ni Mr. T (Tony Tuviera) sa pagpu-produce ng concert na pagsasamahan nina Alden at Maine “Yaya Dub” Mendoza kasama ang tatlong lola ng Kalyeserye ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Sa kabila nito, kinuha pa rin ni Joed ang serbisyo ni Alden for a Christmas event sa World Trade Center mid this month at binayaran umano nito ang ka-loveteam ni Maine ng P350,000 for two to three songs.

Balak din ni Joed sa kunin pa rin si Alden for shows sa ibang lugar at ma­ging sa ibang bansa.

Solo movie nina Alden at Maine hindi na ihahabol sa Valentine

Pagkatapos ng MMFF movie na My Bebe Love (#KiligPaMore), ihahanda naman ng APT Entertainment ni Mr. T ang solo film project para kina Alden at Maine na malamang i-co produce with GMA Films early next year.

Si Alden ay nasa pangangalaga ng GMA Artist Center habang si Maine naman ay nasa poder ni Mr. T.

Kung aabot, maganda sanang playdate ang Va­len­tine’s day pero ayaw nina Mr. T na madaliin ang proyekto ng dalawa lalupa’t masyado itong dikit sa Metro Manila Film Festival na magsisimula on December 25 at magtatapos sa unang linggo ng Enero.

“Strike while the iron is hot” ang move ng mga namamahala sa respective career nina Alden at Maine.

Aljur tuwang-tuwa, Hermano Puli tuloy

Hindi man natuloy ang pelikulang Hermano Puli sa 2015 Metro Manila Film Festival dahil sa pagba-back-out ng original producer nito, matutuloy pa rin ang pagsasapelikula nito with Aljur Abrenica still playing the title role at mula pa rin sa direksiyon ni Gil Portes at panulat ni Eric Ramos.

Ang producer ng experimental film ni Elwood Perez na Esoterica: Maynila na si Rex Tiri, isang businessman-restaurateur ang siya ring magpu-produce ng Hermano Puli base sa buhay ng religious leader na si Apolinario dela Cruz ng Quezon Province na siyang namuno ng pag-aaklas laban sa Spanish colonial rule.

Hindi lamang ang director na si Gil Portes at sampu ng kanyang production staff ang natuwa kundi laluna si Aljur na siyang gumaganap sa title role kasama ang nakababata niyang kapatid na Vin Abrenica with Enzo Pineda, Louise delos Reyes, Kristopher Martin, Diva Montelava at Ana Capri.

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

COCO MARTIN

GIL PORTES

HERMANO PULI

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MR. T

MY BEBE LOVE

NINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with