Janine nagiging indie star na
Mukhang nalilinya sa paggawa ng indie films si Janine Gutierrez.
Dala-dalawa na pala ang nagagawa niyang indie, una na ang Lila pero, mas mauunang ipalabas ang Buy Now, Die Later na isang MMFF entry.
Balita ko, pinapurihan ng husto ang anak ni Lotlot ng direktor ng BNDL. Magaling daw ito at mabilis tumanggap ng instruction.
Kaya, malamang, maraming offer na indie pa itong matanggap.
Isko noon pa pursigido
Hangang-hanga ang kaibigan ko at kasamahang kolumnista na si Veronica Samio sa napanood niyang political ad ni VM Isko Moreno. But then, matagal nang hanga ang friend ko sa dati kong miyembro ng That’s...
Tumutulong ito sa direktor, kung kinakailangan, nag-aral gumawa ng script at hindi nahiyang mautusan ng kanyang mga kasamahan.
Kaya nang mawala ang That’s... nagpursige pa rin itong makapag-aral.
Aakalain mo na dahil konsehal na siya at naging vice mayor ay titigil na siya sa kanyang pagpupursige na madagdagan ang kanyang kaalaman pero hindi, patuloy siya sa pagpapaka-dalubhasa sa kanyang piniling gawain sa gobyerno.
AlDub fans walang palag sa tumalo kay Maine
Sayang at tinalo si Maine Mendoza ng isang bata para sa kategoryang Best New TV Female Personality.
Wala namang narinig na reklamo ang PMPC mula sa AlDub fans.
Na-realize siguro nila na may kasamang acting ang nasabing award at bago lang talaga si Maine at hindi pa naipapamalas ang kanyang talento sa pag-arte na tulad ng nanalo.
- Latest