^

PSN Showbiz

Male singer na nag-feeling sikat, napaso sa bading!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakaengkwentro sa isang masayang siyudad sa bandang South ng aming mga kaibigan ang isang male singer na produkto ng isang talent search. Bokalista siya ngayon ng isang banda na kilalang-kilala sa lugar.

Dinadayo ang kanilang grupo, paborito sila ng mga bagets, palibhasa’y guwapo at ma-appeal ang male singer bukod pa sa galing niyang kumanta.

Kuwento ng mga tagaroon ay sagana sa mga tagahangang bading ang bokalista, gabi-gabi kunong nagbababad sa bar na pinupuwestuhan ng kanyang grupo ang male singer na sayang, dahil biglang nawala sa gitna ng laban.

Maganda na sana ang takbo ng kanyang career nu’n pero bigla pang tumamlay. Nag-recording na siya, napapanood pa sa mga serye kahit hindi naman talaga siya artista kundi magaling na singer, pero nawala pa siya sa aksiyon.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo naman ang nangyari sa kanya nu’n, di ba? Binigyan siya ng false hope ng mga taong nagpapatakbo ng singing career niya. Puro OPM lang naman pala ‘yun dahil nu’ng may mga bagong mukha na, e, basta na lang siya binitiwan.

“Ayun, umuwi na lang uli siya sa probinsiya, luhaang-luhaan, hindi alam ang gagawin. Buti na lang ay may mga friends siyang nagpayo na huwag niyang sayangin ang talent niya, sumama siya sa banda, para makalimot siya sa nangyari sa career niya,” kuwento ng aming impormante.

Maraming indecent proposal na dumarating ngayon sa magaling na singer, pero ayon sa aming kausap ay deadma lang siya, dalang-dala na raw kasi sa karanasan niya sa showbiz ang male personality.

“Madali namang intindihin ‘yun. Ikaw ba naman ang pangakuan ng langit at lupa ng isang becki, pero hindi naman nangyari, gusto mo pa bang maulit ang ganu’n?” hirit ng impormanteng nakakaalam ng kuwento tungkol sa male singer.

Ubos!

Alden pinatunayang may acting!

Pansamantalang pinahinto ni Alden Richards ang mundo nang dumating siya sa Kia Theater para tanggapin ang kanyang parangal bilang Best Drama Actor ng Star Awards For Television ng PMPC.

Sa kalye pa lang ay pinagkaguluhan na ang Pambansang Bae, hindi kinaya ng mga nakatalagang security ang mga nagdadambahang fans na gustong makalapit sa kanya, hanggang sa backstage ay talagang binigyan pa rin ng problema ng mga nakalusot na tagahanga ang mga tagapamuno ng teatro.

Komento ng mga nandu’n ay may mga sumigaw rin naman at nagkagulo sa mga artistang nauna sa guwapong aktor, pero hindi nila maipaliwanag ang nangyari sa Pambansang Bae nang dumating, naalala raw nila ang kasagsagan ng tambalang Guy & Pip nu’ng dekada ’70 dahil ganu’ng-ganu’n din ang senaryo kapag nagpupunta sa anumang pagtitipon ang tambalan.

“Nakakaloka! Maayos na nakapasok sa theater ang lahat ng mga artista, pero pagdating ni Alden, parang nabulabog ang buong mundo! Napakalakas talaga niya ngayon! Paano pa kung kasama niyang duma­ting si Yaya Dub, e, di delubyo na ang nangyari!” sabi ng mga kasamahan namin sa hanapbuhay.

Ganu’n talaga kapag panahon ng isang personalidad. Walang puwedeng pumigil sa pandemonium, walang sasapat na security, tulad ng mga nangyayari ngayon kina Alden at Maine Mendoza.

Pero napakalaking karagdagan para kay Alden ang ihinandog na parangal sa kanya ng PMPC. Ngayon ay medyo uurong na ang dila ng mga nagsasabing guwapo lang naman siya at sikat pero walang alam sa pag-arte.

Huwag naman. Ang papel na ginampanan niya sa Ilustrado bilang ang Pambansang Bayani ay naghahanap ng personalidad na babagayan na makapagbibigay ng hustisya sa binubuhay na karakter.

At si Alden Richards ‘yun.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

DRAMA ACTOR

KIA THEATER

KUWENTO

MGA

NAMAN

PAMBANSANG BAE

PERO

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with