^

PSN Showbiz

Kinabukasan ng career ni Julia nakasalalay sa serye! Rufa Mae tuloy ang paggamit ng boobs sa social media

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Sinuportahan ni Anne Curtis ang From The Top concert ni Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes.

Dumating si Anne sa second half ng show.

SCENE: Nakapangalumbaba si Paolo Valenciano habang nagdidirek  ng From The Top.

Mula umpisa hanggang katapusan ng concert, nakapangalumbaba o nakapatong ang baba ni Paolo sa kanyang mga kamay.

Para sa mga Chinese, malas sa negosyo ang nakapangalumbaba.

SEEN: Ang Lumayo Ka Nga Sa Akin ang opening salvo ng Viva Films sa 2016. Comeback movie ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang trilogy movie na tinatampukan nila ni Maricel Soriano.

SCENE: May sariling countdown sina James Yap, Angelu de Leon at Martin del Rosario tungkol sa nalalapit na airing sa telebisyon ng Fast Forward, ang campaign music video ni Mar Roxas.

SEEN: Maingat sa paggastos sa mga campaign ad ang mga kandidato sa 2016 dahil malaking aral ang natutunan nila sa naging karanasan ni ousted Laguna Governor ER Ejercito.

SCENE: Gamit na gamit ni Rufa Mae Quinto sa social media ang isyu ng operasyon sa dibdib niya.

Siya na lang ang may interes na pag-usapan ang pinagdaanan na operasyon.

SEEN: Hindi nakalimutan ni Dan Fernandez na i-promote sa Thanksgiving party nina Mar Roxas at Korina Sanchez ang Honor Thy Father, ang John Lloyd Cruz starrer na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Kasama si Fernandez sa cast ng Honor Thy Father.

SCENE: Bukas na ang pilot telecast ng And I Love You So. Nakasalalay ang future ni Julia Barretto sa showbiz sa magiging pagtanggap ng mga tao sa bagong teleserye na tinatampukan niya.

ANG

ANG LUMAYO KA NGA SA AKIN

ANNE CURTIS

DAN FERNANDEZ

FAST FORWARD

FROM THE TOP

HONOR THY FATHER

I LOVE YOU SO

JAMES YAP

MAR ROXAS

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with