^

PSN Showbiz

Nagpaka-artist talaga Sarah orig lahat ang kinanta sa concert

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kakaibang Sarah Geronimo ang napanood sa kanyang From The Top concert sa Araneta Coliseum last Friday night.

Sexy ang dating niya at wala ang dati niyang ginagawa sa concert.

Lahat  kasing kanta niya ang narinig ng fans na dumagsa kahit na nga pagka-traffic-traffic kahit saang lugar noong Biyernes ng gabi na nagkataon pang nagkaroon ng tatlong sunog sa magkakaibang lugar na nagpasikip sa maraming kalsada papunta sa Cubao.

Pero kahit hindi cover songs ang narinig sa kanya, nag-enjoy ang mga nanood  lalo na ang die hard fans ni Sarah na walang ginawa kundi tumili.

Wala rin siyang guest except kay Erik Santos na naka-duet niya sa kantang Paano Ba Ang Magmahal na theme song ng movie nila ni Piolo Pascual na The Break Up Play­list. Eh lumabas si Erik sa hydraulic stage so akala ng fans si Piolo ‘yun kaya todo tilian sila. Na-realize lang nila nang maklaro ang boses ni Erik.

‘Yun lang ang nag-iisang guest ni Sarah kaya na-solo niya ang buong concert.

Ibang klase rin ang stage nila. Sobrang laki kaya nasa bandang itaas ang banda.

World class ang level ni Sarah pagdating sa concert performance.

Naaliw din ang fans dahil sa sobrang pasasalamat ni Sarah, ang Popster (tawag sa fans niya) ang gusto na niyang pakasalan.

The other year pa ang huling concert niya kaya siguro kahit napaka-traffic, sumugod sila.

Kagabi ginanap ang second night ng From The Top at kagabi ay marami na naman ang naiinis na manonood dahil kahit daw pala weekend ay napaka-traffic. May ibang umurong pa dahil ilang oras na raw sila pero hindi pa raw sila gumagalaw.

Well ang kalaban talaga ngayon ng lahat ay ang nakaka-stress na traffic sa Metro Manila.

Edu ginawang memorable ang pasko ng mga batang gumaling sa cancer

Naging memorable ang Pasko ng mga dineklarang cancer free kahapon sa Philippine Children’s Medical Center nang dumating si Edu Manzano at magdala ng mga regalo para sa 28 children na gumaling nga sa sakit na cancer. Parang graduation ang seremonyas na naganap kung saan ang 28 na mga batang gumaling ay binigyan ng certificate.

Bukod sa tinanggap nilang certificate nakatanggap din ang mga bata ng gift packs mula sa Puregold na dala ni Edu at nagdala sila ng balloons at marami pang ibang food na pinagsaluhan ng mga batang may kanser pati na rin ng kanilang mga magulang.

Kasabay ng graduation ng 28 kids ang 4th anniversary celebration ng Adrian Manzano Cancer Wing ng nasabing hospital.

Ang nasabing Cancer Wing ng hospital ay pinagawa ni Edu para mas maging magaan ang maramdaman ng mga batang nagpapagamot.

Yung mga afford ay nagbabayad at ang mga hindi ay siya namang tinutustusan nang kinikita roon.

Habang nasa nasabing ward ang mga batang may sakit puwede silang maglaro ng video games o magbasa-basa.

vuukle comment

ADRIAN MANZANO CANCER WING

ANG

ARANETA COLISEUM

BREAK UP PLAY

CANCER WING

EDU

EDU MANZANO

ERIK

ERIK SANTOS

FROM THE TOP

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with