^

PSN Showbiz

Vhong wala sa plano ang makipag-ayos kay Cedric Lee!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay nakararamdam pa rin daw ng takot si Vhong Navarro matapos ang kontrobersyal na kasong isinampa niya laban kay Cedric Lee noon. Kaya naman mayroon pa ring ilang body guards ang aktor kahit matagal-tagal na rin ang naging away sa pagitan nila ni Cedric. “Ang tao ngayon ‘pag pinatay parang ipis na lang, mahirap eh. Hindi naman nawawala ‘yung takot. Pero kasi, ang paniniwala ko sa Panginoon, binibigay ko na sa kanya lahat eh. Kung kailangan na ba akong kunin eh, wala tayong magagawa. Hindi natin mapipigilan ‘yon. Basta ang pananampalataya ko nasa Kanya,” seryosong pahayag ni Vhong.

“’Yung proteksyon na hinihingi ko, nasa Kanya rin. Kasi kahit ano’ng dami ng body guard mo, kahit 30 pa ‘yan, kung talagang kukunin ka na, wala kang magagawa,” dagdag ng aktor.

Kamakailan ay napabalitang gusto na raw makipag-ayos kay Vhong ng kampo ni Cedric kaya nagbigay ng reaksyon ang aktor tungkol dito. “Ang sarap sanang magsalita. Ang sarap magsabi ng kung ano ‘yung mga nararamdaman ko. Ang hirap lang kasi may gag order tayo. Kumbaga, ‘yon ay mga hindi pwedeng masabi. Kasi baka maapektuhan naman kami. Tuloy pa rin naman ‘yung kaso. Hindi po ako makikipag-ayos,” giit ni Vhong.

“Kaya mo naman silang patawarin eh pero paano mo patatawarin kung ikaw pa ‘yung pinalalabas na masama? Sa ngayon kasi ang hirap po kasing magpatawad sa tipong ikaw pa ‘yung binabaligtad,” pagtatapos ni Vhong.   

Denise hinahanap-hanap ang stage play

Isa si Denise Laurel sa walong contestants ng Your Face Sounds Familiar season 2. Ayon sa aktres ay todong suporta ang ibinibigay ng kanyang fiancé na si Sol Mercado lalo pa’t gusto raw talaga ng binata ang nasabing programa. “He loves watching the show. He is actually fan of everyone. Sob­rang hangang-hanga siya sa mga artist tulad ni Melai (Cantiveros). Kahit minsan wala siyang maintindihan sa Tagalog, tawa nang tawa pa rin siya. Kasi he’s so entertained by the show and the vibe of everyone. He’s just happy for me and he’s fan of the show,” nakangiting pahayag ni Denise.

Samantala, inamin ng aktres na noon pa niya pinapangarap na magkaroon ng sariling album at umaasang mangyayari ito pagkatapos ng kanilang season ng YFSF. “It’s always been a dream so hopefully after Your Face, ma-fulfill naman ‘yung dream na ‘yun,” pagtatapat ni Denise.

Maging ang paggawa ng stage play ay hinahanap-hanap daw muli ng aktres. “I would love to and I would have to do it na wala akong soap (opera). Kasi I wouldn’t want na ipagsabay ‘yung dalawa dahil I won’t be able to give my 200% to both but yeah, I would love to if the right musical play will come along,” dagdag pa niya.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

CEDRIC

CEDRIC LEE

DENISE

KASI

QUOT

STRONG

VHONG

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with