^

PSN Showbiz

Alden sumobra na ang paghahangad ng maraming pera

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

O hayan ha, naospital na si Alden Richards! Papagpahingahin n’yo naman siya! Hindi tuloy siya nakasipot sa Walk of Fame ko sa Eastwood City, pero naiintindihan ko siya. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos na pangatawanan niya ang role sa Kal­yeserye ng Eat Bulaga at pagtupad pa sa mas nakakaraming trabaho na hatid ng kanyang kasikatan, talagang magugupo siya.

Aanhin ba niya ang marami niyang datung kung mapupunta lamang ito sa pagpapaospital niya? Kaya please, let him rest.

Julia mas matapang kaysa kay Claudine!

Ang tiyahin pala niyang si Claudine Barretto ang peg ni Julia Barretto sa pagganap na kontrabida sa kanyang bagong teleseryeng And I Love You So. Kaya lamang, marami sa nakapanood ng trailer ang naniniwala na hindi siya kaila­ngang manggalaiti, su­migaw, o maging maingay to stress a point lalo’t magkaeksena sila ni Miles Ocampo.

Never ‘yun ginawa ni Claudine.

Rachelle Ann kapuri-puri sa pagbibigay karangalan sa bansa

Sana duma­ting na agad si Ra­chelle Ann Go para mabigyan ko siya ng star sa Walk of Fame Phi­lippines. Wala siya rito at nagtatrabaho sa Broadway kaya hindi nakasama sa mga pinarangalan ko this year.

Balak ko ring kilalanin sa pamamagitan ng WAFP ang ilang Pinoy na nagpakila sa Pilipinas sa bansang kanilang kinaroroonan ngayon.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANN GO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

EASTWOOD CITY

EAT BULAGA

I LOVE YOU SO

JULIA BARRETTO

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with