Mga kasamahan sa trabaho ang ka-join Nora inisnab ng mga anak sa pa-dinner ng Gusi Peace?
Kung may iimbitahin man si Nora Aunor para makasalo sa pa-dinner ng Gusi Peace Prize kung saan nag-iisang Pilipinong awardee ang Superstar ay kundi man pamilya niya’y mga matagal na niyang kaibigan. But as it turned out, mga bagets na kasamahan niya sa ginagawa niyang teleserye sa GMA na Little Nanay at sa indie film niyang Tuus ang pinili niya para makasama sa hapunan bilang parangal sa kanilang mga nagsipanalo. Tulad nina Juancho Trivino, Kris Bernal, at Mark Herras mula sa TV series at sina Rocco Nacino at Barbie Forteza mula naman sa indie film niya.
Hindi nasipot ni Sen. Grace Poe ang event. Naroon din sina Manay Marichu Maceda, German Moreno, Atty. Lorna Kapunan, Bembol Roco, direk Jay Altarejos at Cocoy Laurel. Hinanap din ang mga anak ni Nora (Ian, Lotlot, Matet, Kenneth, at Kiko) pero isa man ay walang nakarating sa kanila. Tsk. Tsk. Tsk.
Malaking karangalan para sa isang artista, lalo’t Pilipino ang mabigyan ng ganitong pagkilala. Ibig sabihin lamang, bukod sa maganda niyang pag-arte ay nakapag-promote pa ang mga pelikula niya ng camaraderie at katahimikan sa ating bansa at sa mga bansang pinaglabasan ng pelikula.
Popoy at Basha binuhay ang magic ng pag-ibig
Kasama kami sa napakaraming nanood ng A Second Chance sa isa sa apat na sinehang nagpapalabas ng movie sa SM Fairview. Interesado akong malaman kung totoo nga ang nabalitaan ko, even way, way ahead bago pa ipalabas ang movie, na sad ang ending nito dahil may namatay. Pero wala naman pala! Bukod sa talagang mga nakakalungkot na pinagdaanan ng mag-asawang Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo) na na-threaten ang relationship dahil hindi na-handle nang mabuti ng lalaki ang success, mas lalo itong na-insecure nang magsimulang mag-take charge si misis.
Ang struggle nila to rise above their problems sa tulong ng kanilang walang maliw na pagmamahal sa isa’t isa ang buod ng kuwento ng pag-ibig ng dalawa sa pinakamamahal na characters sa pelikula. Walang naaksidente o nagkasakit sa movie na humantong sa kamatayan.
Isa sa talagang maituturing na nagpaganda sa kuwento ay ang presence ng isang support group at mga kaibigan ng dalawang major characters (Dimples Romana, Janus del Prado, Bea Sew, James Blanco, atbp.) na nagpanatili sa katinuan ng dalawa. Alam ko na wish ng lahat ng nanood ng movie na makakita rin ng mga ganung klase ng mga kaibigan na maasahan maski sa oras ng indulto.
Maganda at feel good ang movie. Magsisimula na namang bumilib ang marami sa magic ng love.
Mayor Duterte OA na ang pagiging brusko
Boto sana ako kay Davao Mayor Rodrigo Duterte na tumatakbong pangulo ng bansa. Sabi ko ay kailangan ng maraming Pinoy ay isang may kamay na bakal lalo’t hindi mabawas-bawasan ang krimen sa bansa at tila hindi na mareresolbahan ang napakaraming kaso ng pagpatay. Pero hindi naman ako kumporme na pagsalitaan niya ng masama at sisihin si Pope Francis sa naging mahigpit na problema sa traffic nung dumalaw ito ng bansa not so long ago.
Siguro, kailangang bawas-bawasan ng matapang na kandidato ang pagiging sobrang brusko niya para hindi matakot sa kanya maging ang kanyang mga botante.
- Latest