^

PSN Showbiz

Duterte hindi puwede sa live TV coverage!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Napanood ko ang live broadcast ng pagdedeklara ng presidential candidacy ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte noong Lunes.

Sa totoo lang, sa tagal ko na sa showbiz, no­thing shocks me anymore pero naloka ako sa mga pinagsasabi ni Papa Rody sa kanyang speech dahil live telecast ito.

Pinutol na lang ang live coverage nang magsimulang magsalita si Papa Rody ng salita na nagsisimula sa letrang L pero napanood ko ang mga dialogue niya sa harap ng pari.

Dahil sa kanyang mga makukulay, brutal, at bulgar na pananalita, hindi na ako nagulat sa reaksyon ng mga kababayan natin sa pinag-uusapan ngayon na speech ni Papa Rody.

Nasa kamay na ngayon ng taumbayan ang pagpapasya kung susuportahan pa rin nila ang presidential bid ng palaban na alkalde ng Davao City.

Umaasam na maging senador, siguradong magiging mahusay

Maaga ang meeting namin kahapon ni Mother Lily Monteverde sa isang hotel sa Mandaluyong City para sa isang senatoriable na sinusuportahan namin.

Secret muna ang name ng senatoriable na hindi baguhan sa mundo ng showbiz dahil artista ang kanyang ex-girlfriend.

Naniniwala kami ni Mother na magiging mahusay na senador ang tao na tinutukoy ko dahil maganda ang kanyang track record bilang public servant. Hindi siya katulad ng ibang mga pulitiko na pabida at pabibo sa harap ng mga tao pero ibang-iba ang ugali kapag wala sa paningin ng publiko.

Inabot ng apat na oras ang meeting namin ni Mother na nag-umpisa ng umaga at natapos ng 2:30 p.m.

Mula sa aming very relevant and productive meeting, dumiretso ako sa Camp Crame dahil dinalaw ko sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada.

Fully booked ang mga showbiz commitment ko ngayong linggo kaya talagang gumawa ako ng paraan na madalaw kahapon sina Papa Jinggoy at Bong.

Christine Bersola certified stalker ng AlDub

Bilib ako sa suporta ni Tintin Bersola sa AlDub dahil may time siya na bumisita sa last shooting day ng My Bebe Love noong Lunes at na-sight din siya sa For The Love Of Mama, ang benefit concert sa Mall of Asia Arena noong November 23.

Walang cameo role si Tintin sa My Bebe Love pero napagkamalan siya na isa sa mga talent dahil ito ang mga kahalubilo niya habang nasa set siya ng filmfest movie nina AiAi delas Alas, Vic Sotto, Alden Richards, at Maine Mendoza.

Ninang Dub na nga raw ang tawag ni Tintin sa sarili dahil type niya na maging ninang sa kasal nina Alden at Maine kung sakaling magkatuluyan ang dalawa.

Ibang klase pala kung humanga si Tintin dahil full support ang ibinibigay niya kesehodang mapagkamalan siya na stalker ng AlDub. May nagsabi sa akin na hitik na hitik sa AlDub pictures and news ang kanyang mga social media account.

Parang si Kris Aquino rin si Tintin dahil hindi nagkakalayo ang kanilang mga ugali. Hindi nga nagbababad si Kris sa taping o shooting ng mga sikat na artista na hinahangaan niya pero nakikipagkaibigan siya.

Madaling malaman kapag type ni Kris ang mga artista dahil madalas ang mga guesting nila sa kanyang morning program sa ABS-CBN.

Andi manang-mana sa mga magulang

Ngayon ang first day sa mga sinehan ng Angela Markado, ang comeback movie ng direktor na si Carlo Caparas.

Ipinagmamalaki ni Papa Carlo ang pelikula at bilib na bilib siya kay Andi Eigenmann, ang lead actress ng Angela Markado.

Saksi ako sa mga papuri ni Papa Carlo sa acting talent ni Andi na may pinagmanahan dahil anak siya nina Jaclyn Jose at Mark Gil na kapwa mahuhusay na artista.

ALDEN RICHARDS

ANDI

ANG

ANGELA MARKADO

DAHIL

MGA

MY BEBE LOVE

PAPA CARLO

PAPA RODY

SIYA

TINTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with