^

PSN Showbiz

Iba na talaga JM de Guzman, grabe ang lampungan sa singer

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sayang na sayang talaga si JM de Guzman kung totoo ang mga balitang bumalik siya sa dating gawi. Napanood ko ang pelikula niyang Tandem na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at sa true lang, lumutang na naman ang kakaibang galing niya.

May karapatan talaga sa aktingan si JM. Kaya niyang magpa-cute tulad sa ginawa niya sa That Thing Called Tadhana at magpaka-bad boy sa Tandem.

May subtitle ang pelikula na hindi lang basta tungkol sa pagiging riding in tandem ang k­uwento kundi ang pagmamahal sa kapatid kesa sa asawa.

Wala akong idea kung kailan ipalalabas sa mga sinehan ang Tandem. Pero ang isang definite, mahusay si JM sa pelikula kahit bad boy ang character niya pero super in love sa isang singer sa club.

Pero ang nakakagulat lang, grabe may pumping scene si JM sa movie sa ka-partner niyang singer ang role. Very convincing at namumutiktik ang kanyang pagmumura.

Kaya talagang sayang na sayang si JM. Sana nga makabalik pa siya at maayos na kung anuman ang pinagdaraanan niya ngayon.

Susan Roces hindi agad nalaman ang disqualification ni Grace sa Comelec

Umaapaw ang mga pangyayari sa pagpasok ng buwan ng Kapaskuhan.

Una, ang galit ng mga tao sa ginawang pagmumura ni Mayor Duterte kay Pope Francis; ang paglabas ng sentensiya sa Amerikanong kumitil umano sa buhay ng isang transgender na si Pemberton; ang World AIDS Day celebration at ang pinakahuli ay ang inilabas na disqualification kay Sen. Grace Poe. Kaya naman ligalig ang paligid kahapon.

Nang tanungin ko si Tita Dolor Guevarra, ma­nager ni Tita Susan Roces kung anong reaction ng nanay ni Sen. Grace, as of 7:00 p.m. last night, hindi pa raw alam ni Tita Susan dahil nasa taping pa ito ng Ang Probinsiyano. Katuwiran ni Tita Dolor, sa COMELEC Division lang naman ‘yun wala pa sa en banc kaya hindi raw sila nagpa-panic dahil iaapela pa ito.

Nasa probinsiya rin daw si Sen. Grace kaya ‘di pa niya alam ang statement nito. May lumulutang na si Tita Susan ang papalit sakaling walang choice si Sen. Grace. Pero naitanggi na ito ni Tita Susan.

Pero ang mga naunang nag-alala kahapon ay ang mga taga-showbiz na all out ang suporta sa kanya.

Ilan lang sina Eddie Garcia, Superstar Nora Aunor, Carmina Villaroel, Zoren Legaspi at Joey Marquez ang mga hayagan nang nagpahayag ng suporta sa anak ni Da King FPJ at Tita Swanie sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo ng bansa.

Hayyy naku ano bang nangyayari? Meron pang nakakalokang traffic at ang kabi-kabilang party at magiging abala na rin ang showbiz sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) na pukpukan din ang labanan lalo na ngayong tumatabo sa takilya ang A Second Chance na umano’y naka-300 million pesos sa loob lang ng limang araw. So kailangang mag-effort ang mga kasali sa festival na kumita ng mas malaki.

A SECOND CHANCE

ACIRC

ANG

ANG PROBINSIYANO

CARMINA VILLAROEL

CINEMA EVALUATION BOARD

DA KING

KAYA

MGA

PERO

TITA SUSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with