Celebrity Ukay-Ukay nina Tom at Carla, nakaka-dalawang taon na!
MANILA, Philippines – Sa pangalawang pagkakataon ay pinangunahan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang Celebrity Ukay-Ukay na inilunsad sa World Trade Center noong November 26.
Mga pre-owned at exclusive items mula sa iba’t-ibang artista at news personalities ang ipinagbibili upang makatulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation para sa underprivileged Filipino children.
“Making a difference in the lives of others takes hard work, perseverance, and a lot of heart,” ayon kay GMAKF EVP and COO na si Mel Tiangco. “We are grateful for Tom and Carla’s continued generosity, as well as that of our other celebrity donors, because their support has been instrumental in the fulfillment of the Foundation’s many projects.”
Sa kabila ng pagiging busy sa kanyang shows na Ismol Family, Del Monte Kitchenomics, Karelasyon at ang upcoming serye na Because of You, nagawa pa rin ni Carla na maglaan ng oras upang pumili ng mga item na ibebenta o i-auction sa Celebrity Ukay-Ukay at maghikayat ng mga kapwa artista na mag-donate. “Always a pleasure to lend a hand. With God’s help, Tom and I will work harder this year so GMA Kapuso Foundation can build more classrooms and more schools,” pahayag ng aktres sa kanyang Instagram account.
Active si Carla sa pag-promote sa social media sa pamamagitan ng pagbibigay ng exclusive peek sa mga ibebenta sa Celebrity Ukay-Ukay.
Nagpasalamat din si Tom sa kanilang mga kaibigan sa industriya na nagbigay na ng donasyon. “Napakalaking tulong ang ibinibigay ninyo sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda, maging ang lahat ng mga tinutulungan ng GMA Kapuso Foundation ay nagpapasalamat din sa inyo,” ayon sa MariMar leading man habang inaanyayahan niya ang iba pa nilang kapwa artista na suportahan ang proyekto.
Bukod kina Tom at Carla, ang mga iba pang Kapuso artists na tumulong sa proyekto ay sina Christian Bautista, Dennis Trillo, Alden Richards, Betong Sumaya, Joyce Ching, Chariz Solomon, Kevin Santos, Jessa Zaragoza, at Eugene Domingo.
Pati ang GMA News and Public Affairs personalities tulad nina Arnold Clavio, Rhea Santos, Susan Enriquez, Suzi Entrata-Abrera, Nelson Canlas, Lhar Santiago, Cesar Apolinario, at Nathaniel “Mang Tani” Cruz ay nag-donate rin ng pre-loved items.
Kasama rin sina Cheska Garcia-Kramer, AJ Dee, Alyanna Martinez at Cecile Zamora-Van Straten sa iba pang personalidad na nag-donate.
Hanggang bukas na lang ito sa World Trade Center, at sa December 18-20 naman sa SMX Convention Center. May celebrity auctions din na magaganap bawat bazaar weekend.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, pumunta lamang sa GMAKF website sa www.gmanetwork.com/kapusofoundation.
International Pop Sensation Rick Astley, bibisita sa ASAP 20
Umindak sa sikat na mga awiin ng 80s international pop sensation Rick Astley na bibisita mismo ngayong Linggo sa ASAP 20.
Puno rin ng sorpresa ang paborito niyong Sunday musical variety show dahil paparangalan ang top recording artists ng 2015 sa ASAP 24K and Platinum Awards, kung saan tatanggap ng Elite Platinum Circle Award ang OPM band na Hotdog bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa industriya ng musika.
World-class performance naman ang hatid ni Sarah Geronimo habang hindi naman pahuhuli ang homegrown talents ng ASAP 20 na sina Juris, Richard Poon, at Yeng Constantino na ibabahagi ang kanilang buhay may asawa sa ASAP LSS (Love Songs and Stories).
Paiinitin naman nina Sarah Lahbati at Gerald Anderson ang ASAP 20 stage sa kanilang hotdance number.
Sasabay din sa sayawan si Enrique Gil kasama ang online dance sensations na sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.
Samantala, abangan ang album launch ng heartthrob na si Matteo Guidicelli na pakikiligin ang mga manonood sa Full Circle.
- Latest