^

PSN Showbiz

Beauty book ni Heart no. 1 sa digital sales

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Number 1 pa rin sa digital sales ang beauty book ni Heart Evangelista na  This is Me, Love Marie, dalawang linggo matapos itong i-launch ng aktres.

Tuwang-tuwa ang misis ni Sen. Chiz Escudero dahil dalawang linggo na ring patok ang beauty book ni Heart sa Buqo app’s digital charts.

“We are still at the top of the digital chart! Get the e-book version of #ThisIsMeLoveMarie using the @buqoapp and get tips on makeup and skincare from your phone or tablet,” sabi ni Heart sa isang post sa Instagram.

Proud na proud siyempre ang kanyang mister na si Chiz sa mainit na pagtanggap ng publiko sa beauty book ng asawa.

Ang This is Me, Love Marie na siyang kauna-unahang beauty guide ng isang Filipina actress mula sa Summit Books ay inilabas sa publiko noong Nov. 8.

Ani Heart, ang libro ay maihahalintulad niya sa diary niya sa nagdaang tatlumpung taon.

“Making the book was like writing in my diary and giving everyone a copy. Thirty years of everything I’ve learned,” sabi ni Heart.

Finally, Sue napansin na rin!

Nag-umpisa ang half American at half Pinay na si Sue Ramirez bilang best friend, kapatid or anak ng mga kilalang aktor sa TV at movies.

Anim na taon na rin sa showbiz si Sue na nag-umpisa bilang isa sa singers ng teen oriented show na Shout Out. Hinubog ng panahon ang batang aktres at matapos ang anim na taon, nabigyan na siya ng magandang break.

Naging bahagi si Sue ng ilan sa mga ABS-CBN TV shows tulad ng Mula sa Puso, Angelito, Oka Tokat, Annaliza, Dream Dad, All of Me, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, Maalaala Mo Kaya and mo­vies Aswang, Just the Way you Are at A Second Chance.

Sulit ang paghihintay ni Sue dahil napansin siya ng home network at maswerteng napili bilang maging cast ng primetime soap na Pa­ngako Sa’Yo Book 2.  Ginagampanan niya ang role na Ligaya na mo­rtal na kaaway at admirer ni Daniel bilang Angelo.

Maituturing ni Sue na isa sa challenging at overwhelming roles ang maging ka-loveteam si Daniel o third wheel sa sikat na Kathniel loveteam sa TV. “Masaya po ako na maging part PSY kasi napansin po nila ang talent ko at kayang ipakita bilang aktres,” sabi pa ng dalaga.

Alam rin ni Sue na pagtanggap niya ng role, marami din ang good at bad criticisms mula sa mga fans and viewers. “Positibo naman po ako kung paano ko tinatanggap ang mga good lalo na po ang mga bad cristicisms sa akin. Mas lalo ko pa pong pinagbubutihan ang trabaho ko for the audience,” dagdag pa ni Sue.

TV5 nagkapit-kamay para sa traffic

Nagsanib-pwersa ang TV5 at ang Waze upang mas mabilis at epektibo pang maihatid sa lahat ng mga drayber ang mga sariwang balita patungkol sa matinding trapik at paano ito maiiwasan sa ating mga pangunahing kalsada sa bansa,  lalo na sa Metro Manila.

Ang Waze ay isang aplikasyon na ma­aaring i-download sa ating mga smartphones o sa alin mang laptop computer o computer notebook.  Ngunit higit sa la­hat, dahil na rin sa serbisyo publiko na pinasimulan ng TV5 at Waze, maari na rin ninyong malaman ang mga napa­pa­nahong balita patungkol sa trapik sa pa­mamagitan ng telebisyon o radyo ma­ging sa social media ng TV5.

Madaling makakakuha ng impormas­yon sa Waze dahil ito ay nasa telebisyon at radyo na sa tulong ng programang Aksyon sa Umaga at Aksyon Prime sa TV5 ay maibabalita ang aktwal na sitwasyon ng trapiko lalo na dito sa Metro Manila. Nagbibigay tulong rin ang Waze sa mga motorista patungkol sa pinaka-murang presyo ng gasolina, lakas ng bagyo o saan may baha, at pinakamabilis na ruta para iwas trapiko sa inyong paglalakbay.

Isa pang dahilan kung bakit mas madali ngayon ang Waze sa TV5 ay  ang paggamit ng TV5 nang pinakabagong bersyon ng Waze o ng Waze 4.0 na maari kayong makibahagi  sa mga manonood kung ano ang sitwasyon ng lansangan sa pamamagitan ng pagpapadala lamang ng litrato o video. Naging posible ang tambalang ito ng TV5 at Waze dahil na rin sa pakikipagtulungan ng Voyager Innovations.

Sinabi ng pangulo at CEO ng TV5 na si Emma­nuel C. Lorenzana na, “Naniniwala ako na ang pa­ki­kipagtulungan nating lahat ang susi upang mabig­yang solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bansa, katulad ng trapik. Ang TV5 ay nakikiisa sa sambayanan upang sama-sama nating harapin ang mga problemang humahadlang sa ating pag­lago bilang isang bansa.” (SVA)

ACIRC

ANG

LOVE MARIE

METRO MANILA

MGA

NBSP

RIN

SHY

SUE

TV5

WAZE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with