Pero ang image parang santo sa pamilya dahil sa pera, sikat na aktor nanggulpi ng kadugo!
Ang mga personal na kuwento tungkol sa mga sikat na personalidad ay hindi puwedeng manggaling sa ibang tao. Para lumabas ang mga pinakatagu-tagong lihim ng artista, ang puwede lang panggalingan nu’n ay ang mga taong kasa-kasama niya o ang kanyang mga kasamahan-kaibigan, du’n lang.
Kapag umalis na ang tauhan sa poder ng sikat na personalidad ay saka lumalabas ang mga kuwentong lihim lang dapat. Puwedeng dahil tsismosa lang talaga ang dating tauhan ng artista at puwede rin namang may mga hindi ito nagustuhan tungkol sa kanyang dating boss.
Lumutang ang kuwento tungkol sa isang sikat na aktor na kung ilarawan ng kanyang mga PRO ay sakdal-bait sa kanyang pamilya. Hindi raw sinasarili lang ng sikat na personalidad ang mga biyayang tinatanggap niya, kabahagi raw nu’n ang mga mahal niya sa buhay, ganu’n daw talaga ka-generous ang sikat na aktor.
Pero may mga kumokontra sa kuwento, kabaligtaran daw nu’n ang male personality sa tunay na buhay, dahil maramot siya at makasarili. Bilang na bilang lang daw ang itinutulong ng aktor sa kanyang mga kamag-anak at kapag nabigyan na ay hindi na puwedeng lumapit pa uli sa kanya.
Minsan nang napabalita na malapit na siyang ireklamo ng mismong kapamilya niya sa barangay. Sinaktan niya diumano ang kanyang kadugo dahil sa isang napakasimpleng kakapusan lang nito.
“Mabuti na lang at naagapan ‘yun ng mga huma-handle sa career niya, dahil kung hindi, siguradong wasak ang napakagandang image ng male personality na ‘yun,” kuwento ng isang source.
Magaling humawak ng pananalapi ang aktor, marami na siyang naipundar para sa kanyang kinabukasan, bestfriend kuno ng sikat na male personality ang walang kaimik-imik niyang calculator.
Nasabi tuloy ng aming source, “Ganu’n talaga kapag may callboyic mentality ang tao. Nasanay na siya na puro papasok ang biyaya, hindi papalabas.”
Ubos!
Kaya kung anu-ano ang binibintang Andi palaban sa mga salaulang lalaki
Kung tutuusin ay kahanga-hanga ang pagiging tapat ni Andi Eigenmann sa kanyang sarili at sa publiko. Puti at itim lang ang kilala niyang kulay kapag nagsasalita siya.
Iilan lang ang tulad ni Andi na nagpapakatotoo sa kanyang sarili, pero madalas siyang hindi naiintindihan, dahil sa kanyang kabataan.
Hindi pinapayagan ng mas nakararami ang pagiging brutal ng isang bata pa. Parang hindi ‘yun natural, kundi man bastos ay maldita ang imaheng ikinakapit sa mga tulad ni Andi na nagpapakatotoo lang naman, kaya mas madalas siyang nagiging kontrobersiyal.
Pero sa isang mundo na puro pagdedenay ang alam ng mga personalidad ay namumukod-tangi si Andi, mabibilang sa mga daliri natin sa kamay at paa ang tulad niyang marunong magdala ng mga paghamon, salamat kung maiintindihan siya at sorry na lang kung siya’y hinuhusgahan.
Hindi nagkamali sina Direk Carlo J. Caparas at Tita Donna Villa sa pagpili kay Andi Eigenmann bilang bida sa Angela Markado. Si Andi talaga ang character na ‘yun. Hindi talaga uupuan ng magandang batang aktres sa tunay na buhay ang pangsasalahula sa kanya ng mga kalalakihan.
Mula sa panghahalay sa kanya ay muling babangon si Andi Eigenmann para isa-isang hanapin ang mga lalaking naglugso sa kanyang puri bilang babae.
Bukas nang gabi na ang premiere night ng Angela Markado at sa Miyerkules na ang unang araw ng pagpapabalas ng pelikula. Gusto naming panoorin ang pagganap ni Andi Eigenmann.
At gusto naming suportahan ang muling pagbabalik ng hinahangaan at nirerespeto naming anak ng sining na si Direk Carlo J. Caparas.
- Latest