Isko ayaw ipabura ang mga hubad na litrato na nagkalat sa Internet
May isang computer expert na nag-alok kay Manila City Vice Mayor Isko Moreno na ibaon o burahin sa Internet ang kanyang mga sexy photo dahil baka makasira raw ito sa kandidatura niya pero hindi siya pumayag.
Ang katwiran ni Papa Isko, hindi niya ikinahihiya ang mga sexy movie na ginawa noon dahil bahagi ‘yon ng kanyang propesyon bilang artista.
Walang nakikita na masama si Papa Isko sa mga sexy photo na ginamit na panira ng kanyang mga kalaban sa pulitika dahil artista siya. Kung ano ang ginawa niya noon, ginawa rin ng mga sikat at nirerespeto na Hollywood actor.
Isko hindi hinayaang maging ‘mangmang’ ang sarili forever
Ibang-iba na ang Isko Moreno na nakausap kahapon ng entertainment press sa kanyang thanksgiving lunch.
Magaling nang magsalita si Papa Isko at alam niya ang lahat ng mga isyu.
Ikinuwento ni Papa Isko na naranasan niya noon na kutyain dahil kulang din ang kanyang kaalaman nang pumasok siya sa mundo ng pulitika.
Pero imbes na ma-discourage, na-challenge siya. Ginamit niya na pabor sa kanya ang mga panglalait dahil nag-aral siya sa UP, Harvard University, at sa Oxford University.
Hindi hinayaan ni Papa Isko na maging mangmang siya forever kaya good example siya sa mga tao na hindi nakapag-aral pero mataas ang ambisyon na magtagumpay at makapaglingkod sa bayan.
Tatakbo na senador si Papa Isko at kapartido niya sina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero.
Naririnig na sa radyo ang mga political ad ni Papa Isko na siya mismo ang sumulat at base sa mga karanasan at kahirapan na pinagdaanan niya.
Feel na feel ng mga nakakarinig sa radio ad ni Papa Isko ang sincerity nito dahil mula sa puso ang kanyang mga pahayag.
Gustong maging pribado ang buhay ng mga anak, hindi nagkukuwento tungkol sa pamilya
May limang anak si Papa Isko pero limitado ang pagkukuwento niya tungkol sa kanyang pamilya.
Gusto kasi ni Papa Isko na maging normal ang buhay at makatapos sa pag-aaral ang mga anak niya.
Kung makikilala ng publiko ang kanyang asawa at mga anak, mawawalan na sila ng privacy. Mahihirapan na sila na pumunta sa mall at ma-experience ang mga ginagawa ng mga ordinaryong tao.
Nag-aaral ang lahat ng mga anak ni Papa Isko na pinilit na makatapos ng mga kurso para maging magandang halimbawa siya.
Derrick ayaw makumpara kay Alden
Maligaya ang young actor na si Derrick Monasterio dahil sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Records noong Miyerkules.
Anak si Derrick ng dating aktres na si Tina Monasterio at bata pa lang, ambisyon na niya na maging singer pero nauna ang offer na mag-artista siya.
Maraming plano ang GMA Records para sa singing career ni Derrick kaya tuwang-tuwa ito.
Excited na si Derrick na mag-recording para sa kanyang debut album.
Ayaw ni Derrick na ikumpara siya kay Alden Richards dahil magkaiba raw ang kanilang genre at mga edad.
- Latest