Nikki ninong sa kasal ang tatay ng ex!
Hindi man nakatuluyan ni Nikki Gil si Gab Valenciano, hindi kailanman naputol ang kanyang magandang relasyon sa pamilya ng kanyang ex-boyfriend. Katunayan, isa sa mga tumayong ninong sa kasal ni Nikki sa negosyanteng si Francis Benjamin Jerome “BJ” Albert last Saturday ang ama mismo ni Gab na si Gary Valenciano na natutuwa rin sa kanilang pagpapakasal.
Nasaksihan ni Gary kung gaano kasaya si Nikki sa kanyang napangasawa. Bukod kay Gary, tumayo ring ninong sina Jose Mari Chan at manager ni Nikki na si Arnold Vegafria na dinaluhan din ng mga close friends niya sa showbiz.
Gov. Vi dalawa ang ipinagdarasal na makapasok sa senado
Hindi man nagtagumpay noon ang actor na si Edu Manzano sa kanyang political bid bilang mayor ng Makati at vice-president ng bansa, susubukan naman niyang tumakbo sa pagka-senador para sa 2016 national and local elections.
Nasa ticket si Edu ng tandem nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero ganundin ang present husband ng kanyang ex-wife na si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na si Sen. Ralph Recto.
Kapag parehong nanalo sina Edu at Sen. Ralph sa senado, tiyak na magiging masaya si Gov. Vi.
Kahit matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Gov. Vi at Edu, nanatili ang kanilang pagkakaibigan hanggang ngayon dahil na rin sa kanilang anak na si Luis Manzano na may sarili na ring tatak at pangalan sa showbiz bilang mahusay na TV host-actor.
Gabby pinapantasya pa rin ng ibang kababaihan
Pabata nang pabata ang mga nakakapareha ng ama ni KC Concepcion na si Gabby Concepcion tulad na lamang ng Kapuso star na si Carla Abellana na anak ng halos kapanabayan niya noong si Rey “PJ” Abellana.
Kahit isa nang “golden boy” ngayon si Gabby, napaka-young-looking pa rin nito hanggang ngayon at marami pa ring mga young actresses ang naga-aspire na siya’y makapareha at maka-trabaho. Flattered siyempre ang ex-husband ni Megastar Sharon Cuneta dahil nabibigyan pa rin siya ng lead projects at nakakapareha ang mga batang actor.
Ang nasabing programa ang siyang makakapalit ng Beautiful Strangers sa primetime slot ng GMA na magtatapos ngayong Biyernes, November 27.
QC pride march inaabangan
Halos tatlong milyon na pala or even more ang kumakatawan ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, at transgender) community sa buong bansa, isang grupo na naghahangad ng equal rights sa ating lipunan. Labas pa rito ang hindi pa nag-a-out sa kanilang tunay na kasarian.
Ang taunan at dinarayong Gay Parade sa San Francisco, California, USA ang inspirasyon ng Quezon City Pride March na sinimulan noong isang taon sa Quezon City Circle, tinatayang mas lalong darayuhin ang ikalawang taon nito sa darating na December 5, sa buong stretch ng Tomas Morato, Timog Avenue, at Roces Avenue in Quezon City na nakatakdang isara para sa nasabing big event.
Dahil sa awareness na na-create ng QC Pride March, marami pang ibang grupo ang sumanib sa taong ito at kasama na rito ang MOOVZ, ang pinakamalaking LGBT social network platform at maging ang Jungle Party Circuit.
Tiyak ding aabangan ang mga naggagandahang floats sa QC Pride March.
- Latest