^

PSN Showbiz

Sarah G. malamang maadik sa sariling mobile game

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May bagong pasabog si Sarah Geronimo.

Ito ay ang kanyang kauna-unahang mobile game, ang Popsters.

Ang nasabing game ay developed in partnership with Xeleb Inc., the Philippines’ first celebrity mobile games company.

“Sarah G Popsters lets Sarah’s fans follow her on a concert tour. Popsters unlock new Sarah songs as they level-up,” sabi ni Mr. Raymond Racaza, CEO ng Xeleb.

Patuloy ang paglakas ng celebrity games. In fact, in five months nakapaglunsad na sila ng five games: Anne Galing with Anne Curtis, Adventures of Kuya Kim with Kim Atienza, Trip Ni Belle with Isabelle Daza, and Market Master with Erwan Heussaff.

Mobile games have driven the growth of Xurpas, ang parent company ng Xeleb this year. In its Q3 disclosure, Xurpas already reported revenues surpassing the half a billion peso mark year-to-date. Mobile games represent Xurpas’ largest and fastest growing business.

Xeleb is a subsidiary of Xurpas (PSE: X) and was incorporated in June 2015. Its principal shareholders include Anne Curtis, Kim Atienza, Isabelle Daza and Erwan Heussaff.

Sarah G Popsters is available for download on Google Play. So hindi kaya maadik din si Sarah sa sariling mobile game?

Kaya naman ang popsters, aligaga na kahapon sa pagda-download ng kauna-unahang mobile game ni Sarah na ngayon naman ay concentrated sa preparation ng kanyang two-night concert sa Araneta Coliseum on December 4 & 5, From the Top.

Nauna nang binanggit ni Sarah na kakaiba ang kanyang From the Top concert dahil mas maraming original songs niya ang kakantahin niya rito.

Nakapamili na rin siya ng mga susuutin sa concert. Bukod kasi sa mga production number, kasama sa inaabangan sa tuwing concert ang mga gown na isinusuot niya.

From The Top is Sarah’s eighth major concert, proof of her enduring popularity and her continuing evolution as a total entertainer.

Sarah has come a long way from the fourteen-year-old with the birit voice who captivated the judges and the audience to win the Star for a Night s­inging contest in 2002.

She has transformed from the Pop Princess to a certified pop icon.

From the Top is directed by Paolo Valenciano with Louie Ocampo as musical director.

Piolo, iniabot ang parangal sa Best Tele-novela category… Charo, ibinida ang Filipino content sa Emmy Awards

Ipinagmalaki ni ABS-CBN President, Chief Content Officer at CEO Charo Santos-Concio ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng paggawa ng mga dekalibreng programa sa telebisyon sa ginanap na 43rd International Emmy Award sa New York kung saan siya ang napiling kauna-unahang Filipino Gala Chair.

Sa kanyang talumpati sa harap ng pinakamahuhusay na TV producers, creatives, at talents sa mundo, sinabi ni Charo na marami na sa mga programa ng ABS-CBN ang napapanood sa iba’t ibang bansa, patunay sa kasalukuyang ‘globalized environment’ ng broadcasting industry.

“Kami ay nagpapasalamat dahil sa pamamagitan ng aming mga programa, naipapakita namin sa mundo ang tunay na yaman ng aming bansa. Iyon ay ang pagpapahalaga sa pamilya at tatag bilang mga mamamayan,” pagbabahagi ni Charo.

Binigyang diin niya rin ang papel ng telebisyon ngayon sa mga manonood. Isa na rito ang pagsisilbing tulay para mas lalong maunawaan ng isa’t isa ang nararamdaman at pinagdadaanan ng bawat lahi sa kani-kanilang mga bansa.

“Kapag sila ay ating lubusang nakikilala, mas madali sa atin ang magmalasakit sa kanila. Mas may pakialam tayo sa kwento ng kanilang mga puso, pag-abot ng pangarap, paghingi ng katarungan, pagdiriwang ng tagumpay, at iba pang laban ng buhay. Mas kakaunti ang away at hindi pagkakaunawaan kung mas may malasakit tayo sa isa’t isa,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Charo, hinihimok rin ng telebisyon ang bawat isa na magkaisa sa kabila ng mga pagkakaiba lalo na sa kasalukuyang panahon kung saan kaliwa’t kanan ang banta ng terorismo. “Sa panahon ng takot, tayo ay nagkakaisa sa pagdarasal. Kaya naman ang buong mundo ay nai-inspire na magtulungan at magkapit-bisig,” sabi niya.

Bukod kay Charo, umeksena rin ang aktor na si Piolo Pascual bilang presenter ng Best Telenovela category kasama si Karla Mosley ng The Bold and the Beautiful.

Bago ang awards proper, rumampa muna ang dalawa sa red carpet at nagpa-interview sa international press. Elegante ang suot na terno ni Charo na gawa ni Cary Santiago, habang si Piolo naman ay pang-international star ang dating sa suot na suit.

Ang pagiging bahagi ng dalawa sa International Emmy Awards ay maituturing na milestone sa Philippine broadcasting history. Isa itong pagkilala sa kung paano kayang lumebel ng Filipino content sa global standards.                            

ACIRC

ANG

ANNE CURTIS

CHARO

KIM ATIENZA

MGA

NBSP

SARAH

SARAH G POPSTERS

XELEB

XURPAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with