Mons Romulo at Shalani hindi inasahan ang pagiging maghipag!
Wala nang makapipigil pa kay Mons Romulo sa congressional bid niya sa nag-iisang distrito ng Pasig City.
Tuloy na tuloy ang pagkandidato ni Mama Mons dahil tatakbo na senador ang kanyang kapatid na si Congressman Roman Romulo, ang better half ni Shalani Soledad.
Kung nagdesisyon si Papa Roman na kumandidato na mayor ng Pasig City, hindi sasabak sa pulitika si Mama Mons dahil iniiwasan nila na dalawang Romulo ang maglilingkod sa kanilang bayan bilang may mga delikadesa sila.
Walang puwedeng kumuwestyon sa kakayahan ni Mons sa pulitika at public service dahil siya ang low profile na assistant ni Papa Roman at six years siya na nagtrabaho sa opisina ni President Cory Aquino noong nanunungkulan pa ito.
Dalaga pa si Mama Mons nang ma-link siya kay P-Noy na dalawang beses na bumisita sa bahay nila pero hindi naman humantong sa relasyon.
Maliit talaga ang mundo dahil walang nag-akala na darating ang araw na magiging hipag ni Mama Mons si Shalani na ex-girlfriend ni P-Noy.
Maraming mga charity work si Mama Mons dahil kaligayahan na niya ang tumulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan. Walang puwedeng isumbat kay Mama Mons at sa kanyang pamilya dahil hindi sila nasangkot sa mga isyu ng corruption. Ang magkapatid na Mons at Roman ang mga halimbawa ng mga public servant na sincere sa pagtulong at hindi nasasangkot sa anumang anomalya.
Presscon ng Angela Markado, super blockbuster
Parang isang blockbuster movie ang presscon kahapon ng Angela Markado sa Music Hall dahil imbitado yata ang lahat ng mga reporter.
Naging masikip ang Music Hall dahil sa rami ng mga tao na nag-welcome sa pagbabalik ng mag-asawang Donna Villa at Carlo Caparas bilang movie producer at director, respectively.
Kumpleto sa biggest presscon ng isang movie remake ang cast ng pelikula, sina Andi Eigenmann, Epi Quizon, Paolo Contis, Polo Ravales, Bret Jackson, Felix Roco at Caparas siblings na sina CJ at Peach.
Binata at dalaga na sina CJ at Peach na nasubaybayan ng mga reporter ang paglaki dahil kasama sila palagi sa set ng mga pelikula na ginagawa ng kanilang ama. Ngayon, mga artista na rin sila at mukhang susundan ni Peach ang yapak ng kanyang ama dahil interesado siya na maging direktor.
Andi matindi ang pinagdaanan sa gang rape
Showing sa mga sinehan sa December 2 ang Angela Markado na isa sa mga pinakamahirap na pelikula na ginawa ni Andi.
One and only choice ni Papa Carlo si Andi para sa role na pinasikat ni Hilda Koronel noong 1980 at sa pelikula na mula sa direksyon ng multi-awarded director na si Lino Brocka.
May karapatan si Papa Carlo na muling isapelikula ang Angela Markado dahil siya ang sumulat ng kuwento nito.
Ibinagay ni Papa Carlo ang kuwento ng Angela Markado sa takbo ng panahon ngayon.
Matinding dusa ang inabot ni Andi sa shooting ng Angela Markado dahil brutal ang mga rape scene.
Tiniyak ni Papa Carlo na makukuha ni Andi ang simpatiya ng publiko dahil sa pagpapahirap na ginawa sa kanya ng mga rapist niya.
Ang Angela Markado ang hudyat ng pagbabalik-showbiz ni Papa Carlo dahil magkakaroon pa siya ng mga movie at television project. Ayaw munang sabihin ni Papa Carlo ang mga exciting na mangyayari sa kanyang career dahil gusto niya na mag-concentrate muna sa promo at publicity ng Angela Markado.
- Latest