^

PSN Showbiz

Project nina Cong. Romulo at Shalani, on hold na muna

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Magkikita kami ngayon ng mag-asawang Shalani Soledad-Romulo at Pasig City Congressman Roman Romulo.

Si Shalani ang number one supporter ng kanyang asawa na kakandidatong senador sa 2016 ng Partido Galing at Puso nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero.

Matagal nang plano nina Shalani at Papa Roman ang magkaroon ng anak pero on hold muna ang kanilang “project” dahil magiging busy sila sa pangangampanya at pag-iikot sa buong Pilipinas.

Huling term na ni Papa Roman bilang house representative ng lone district ng Pasig City at papalit sa kanya si Mons Romulo na kandidatong congresswoman dahil siya ang magpapatuloy ng magagandang project ng kanyang kapatid.

Cebuanang si Steffi Aberasturi kinoronahan na Miss Beauche International

Hindi ko napanood ang Miss Beauche International beauty pageant pero may nagsabi sa akin na world class ang presentation at mabilis ang show kaya hindi nabagot ang mga nanood ng coronation night sa SMX Convention Center noong Linggo.

Kung blue ang korona ng Miss World, kulay pink naman ang korona ng Miss Beauche International na project ni Madame Che Toribio delos-Reyes, ang COO ng Beauche soap na popular na popular sa boys and girls na  gustong kuminis at gumanda ang  balat.

Minsan ko nang na-meet si Madame Che sa Christmas party niya para sa entertainment press pero hindi na ito nasundan. Baka na­ging busy na siya sa pag-aasikaso sa kanyang booming business.

Ang Cebuana beauty na si Steffi Aberasturi ang kinoronahan na Miss Beauche International 2015.

Richer ng kalahating milyon si Steffi na kababayan ng dating beauty queen-turned-actress na si Pilar Pilapil dahil isa lamang ‘yon sa mga premyo na natanggap niya bilang newly-crowned Miss Beauche.

Magaganda at mga bagets pa ang official candidates ng Miss Beauche International.

Mag-expect tayo na makikita natin sila na kasali sa mga beauty contest tulad ng Bb. Pilipinas, Miss Earth at kung anik-anik pa.

Mula sa showbiz ang mga hurado ng Miss Beauche International, ang mga former beauty queen na sina Gloria Diaz at Miriam Quiambao, Diana Zubiri at Paolo Ballesteros.

Baby Letizia, sigurado na ang bright future

Congrats sa mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil mga magulang na sila ni Baby Maria Letizia aka Zia.

Hindi pa inilalabas ng mag-dyowa ang picture ng bagets kaya excited na ang fans nila na ma-sight ang itsura ng lucky baby dahil sina Marian at Dingdong ang mga magulang niya. Nakakasiguro na si Baby Zia na magkakaroon siya ng bright future.

Kris natulungan ang mga Marcos sa pagpatol sa basher

Wanted ng mga miyembro ng media ang Marcoses dahil sa sinabi ni Kris Aquino na pinagnakawan nila ang bayan.

Type na malaman ng mga reporter ang reaksyon ng pamilya Marcos sa bintang ni Kris.

Naging pabor sa Marcoses ang pralala ni Kris dahil pinag-uusapan sila ngayon.

Kumakandidato na bise-presidente ng bansa si Senator Bongbong Marcos. Naging maingay tuloy ang kanyang pangalan dahil sa komento ni Kris na hindi yata na-realize na natulungan pa niya ang mga Marcos na magkaroon ng kaliwa’t kanan na publicity.

Minsan, mas okey na dedmahin ang mga intriga para hindi ka magamit at ma-bash dahil marami pa rin ang mga sumusuporta sa Marcoses na responsable kaya nagkaroon ng Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center at National Kidney Center ang bansa natin.

Sa tuwing nagagawi ako sa Heart Center, hindi ko mapigilan ang matuwa dahil nakikita ko ang mga mahihirap na kababayan natin na natutulungan ng mga magagaling na doktor ng nasabing ospital.

vuukle comment

ANG

ANG CEBUANA

BABY LETIZIA

BEAUCHE

DAHIL

MARCOSES

MGA

MISS

MISS BEAUCHE INTERNATIONAL

PAPA ROMAN

STEFFI ABERASTURI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with