^

PSN Showbiz

Ang bag-ong Selina Sevilla

Sanden Jacaban Anadia - Banat

 CEBU, Philippines – Aesthetician na, mokanta pa gyud! Siya mao si Sharon Simon o nailhan sa kadaghanan isip Selina Sevilla.

Siya maoy nagkanta sa sikat na kaayo nga awit nga Nilunok Ko'Ng Lahat kinaham gihapon sa kadaghanan nga mahiligon og videoke.   Gawas sa iyang pagka-singer matawag nga malampuson nga inahan si Selena gumikan kay napadako gyud niya og tarong ang tulo niya ka mga anak nga sila si Alyssa (21), Tin (19), ug Keng (12).  Si Selina Sevilla maoy usa sa nagdumala karon sa bag-ong Calayan Medical Center sa Sugbo kauban ang iyang partner nga si Lalen Calayan.  Siya gyud ang mangunay alang sa "wellness" ug "beautification" sa panit.

Kasamtangan niya nga gi-promote karon  ang iyang ikaupat nga self-titled album busa nabanhaw ang iyang singing career.

Ang mga unod  sa iyang bag-ong album naglangkob sa  "Walang Paki" (You're The Best) ,"Dahil Ikaw", "Hinahanap Kita", "Pag-ibig" ug  "Bangon Lang." Nalakip usab sa album ang mga minus one sa iyang kanta busa segurado gyud nga malingaw niini ang  mga tawo.

Banat News Hugyaw:  Kailan ka nagsimula sa pagkahilig mo sa pagkanta?

Selina:   Bata pa lang ako, miyembro ako ng choir sa simbahan namin kasi aktibo kasi yung grandparents ko sa simbahan, kasama ko po yung mga pinsan at kaibigan ko.  Kung merong activities sa school, pinakanta din ako. Kumakanta din kami sa patay  noon. Kung merong shows sa mga barangay, ayan kumakanta ako. Supportive talaga yung lolo at lola ko. Kilala din ang pamilya namin dahil kapitan sa barangay ang ama ko.

Banat News Hugyaw:   Sinabi mo noon, na malaking parte sa buhay mo ang talento mo sa pagkanta, bakit mo yun nasabi?

Selina:     Naisipan ko noon, na tumatakbo ang panahon, at lumalaki ang edad natin, kaya gusto ko na mapakinabangan  ko yung pagkanta. Mahirap nga noon, nag-aaral , sa gabi kumakanta.  Nag-aaral ako noon ng medical technology hanggang dalawang taon lang, dahil sa sobrang busy. Hanggang dumating ang panahon na kumuha ako ng special course para maging aesthetician. Pumupunta ako ng iba-ibang bansa, para mag-attend ng seminar at salamat naman na nakakuha talaga ako ng certificate.

Banat News Hugyaw:  Ano ang naging trabaho mo noon?

Selina:   Naging performer ako doon sa Japan, hindi ko nga akalain na makapunta ako doon. Isang classmate ko ang nagsabi na mag-audition  siya para maging performer sa Japan  at sinabi niya na mag-audition din ako. Ako lang yung nakapasa, pero kahit nandon na ako sa Japan hindi ko naman kinalimutan yung classmate ko. Hindi ko inalis sa isipan ko na siya ang naging daan kaya nakatrabaho ako sa Japan.

Banat News Hugyaw:  Ano ang pinagdaanan mo bago ka nakamarka ng pangalan?

Selina:   Pagkatapos ng ilang taon na pagtrabaho ko dun sa Japan, kumakanta ako sa mga hotel sa Manila. Naging miyembro po ako ng Sabor Latino Band. Mga latin ang kinakanta namin, so sosyal ang dating.  May nakapansin sa akin, at ni-recommend po ako, dahil naghanap daw ng singer ang Alpha Records, yung social ang hitsura pero jologs pala. Nag-audition po ako at salamat naman na nadala po ako.  Banat News Hugyaw:  Sino ang tumutulong sayo sa pagpasok mo sa industriya?

Selina:  Si  Tito Rudy Francisco po ng Calesa Bar ang nagpa-audition sa akin sa Alpha Records   ni Tito Buddy De Vera.   Si Tito Rudy po ang kilalang magaling na maestro, at naging mentor po siya noon sa ilang kilalang singers .

Banat News Hugyaw:  Saang parte sa career mo na masasabi mo na pumatok ang inyong pangalan?

Selina:  Seguro yung pagkanta ko  ng "Nilunok Ko'Ng Lahat", na naging paborito sa mga nagvi-videoke.  Naging masaya din ako noong nung ako ang pinakanta ng jingle ng San Miguel Grande.  Kung merong out-of-town show, ako yung performer.  Hindi ko din akalain na lalabas ako sa San Miguel TV commercial. Noon pa, pinangarap ko talaga na maging TV commercial model.

Banat News Hugyaw:  Bakit biglang tumahimik ang pangalan mo ng ilang taon?

Selina: Meron talagang mga bagay na hindi mo akalain na mangyari sayo.  Nadala ako sa mga nasawing pag-ibig. Meron kasing pagkakataon na nakalimutan ko na ang career dahil umiibig ako. Inaamin ko naman na may pagkakamali ako. Sa ngayon , nagsimula na ako ulit,  at ginawa ang lahat para hindi magkamali ulit.

Banat News Hugyaw:  Bakit mo naisipang kumanta ulit?

Selina:    Gusto ko lang kumanta ulit , love ko talaga ang talent  ko .

Banat News Hugyaw:  Ano ang bago sa pagbalik mo sa music industry?

Selina:   Sa bago kong album, meron akong kanta na medyo upbeat so sasayaw talaga ang makarinig nito.  Kasi before, nakilala ako dahil sa jukebox, seguro gusto ko ding mag-try ng iba.

Banat News Hugyaw: Bakit mahal mo ang Cebu?

Selina: Pinili ko dito na tumira, kasi maganda ang place, nagagawa ko dito yung simpleng mga bagay na hindi dapat ikinahiya. Halimbawa, kahit naging sikat na ako noon, okay lang at hindi ako tinitingnan ng mga tao sa pagawa ng simpleng bagay.

Banat News Hugyaw: Ano ang mga simpleng bagay na nagagawa mo dito sa Cebu?

Selina: Okay lang na maglakad ka kahit saan na naka-tsinelas lang. Noon  hindi pa napadala dito sa Cebu ang sasakyan namin, sasakay lang ako ng taxi pero merong mga oras na walang bakanteng taxi. So sumasakay ako ng Jeep patungo sa clinic.  Kumakain din ako sa mga carenderia, P50 lang mabubusog ka na.

Banat News Hugyaw: Anong ulam na nagustohan mo sa  carenderia?

Selina: Masarap yung halang-halang   at saka yung humba.

Banat News Hugyaw: Balak mo bang dalhin na dito ang mga anak mo para dito na rin tumira?

Selina: Oo, seguro next year didto na titira ang mga anak ko. Nakumbinsi ko na sila . Yung isa ay dancer, dating member ng G-Force at siya ngayon ay dancer na ng It's Showtime . Balak ko na bigyan ko siya ng negosyo na may connection sa talent niya sa pagsayaw. Magpapagawa ako ng sarili niyang dance studio dito.

Banat News Hugyaw: Meron  ka pa bang gustong gawin sa buhay mo?

Selina: Oo, gusto kong gumawa ng kanta para ka'y Santo Niño. Devotee ako sa kanya. Nagsisimba din ako sa Basilica.

AKO

ALIGN

ANG

BANAT

BANAT NEWS HUGYAW

LEFT

MGA

NBSP

QUOT

SELINA

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with