^

PSN Showbiz

Parehong nagpaalam, Dennis at Jennylyn magbabakasyon sa Europe

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maingat na raw ngayon si Paolo Contis sa pagtanggap ng mga kontrabida roles dahil lumalaki na ang mga anak niya.

Okay lang naman daw sa kanya ang mga villain roles pero hindi naman sana ‘yung masamang-masama. Kung magku-kontrabida man siya sa mga drama series, ‘yung kaya raw niyang ipaliwanag at na ma-justify sa kanyang mga anak.

Ewan ko lang kung kayang i-justify ni Paolo ang bad role na ginampanan niya sa Angela Markado.

PAK: Kung ‘di kami nagkamali, sa February 2016 na ikakasal ang model/actress na si Regine Angeles sa kanyang boyfriend na si Van Leano na isa ring model.

Hiningan namin ng reaction ang ex-boyfriend ni Regine na si John James Uy sa presscon ng Wattpad Presents at masaya naman daw siya sa dating girlfriend.

“Yes I heard na ikakasal na siya. Wala naman kaming feelings na sa isa’t-isa na romantic. I’m happy for her na she’s getting married,” pakli ni John James Uy.

Hindi raw siya sure kung dadalo sa kasal ni Regine kung sakaling imbitahin siya dahil hindi pala niya type na dumalo sa mga kasal.

“I hate weddings. If ever, I’ll just go to the place na we’ll get married, not the big wedding. Just a simple wedding na kaming dalawa lang. ‘Yung drive thru sa Las Vegas. Ganun!” sabi lang ng model/actor.

Si John James Uy ang kasama nina Diether Ocampo at Ritz Azul sa Wicked Ways episode ng Wattpad Presents na magsisimula na sa TV5 ma­mayang gabi.

BOOM: Magkikita kaya sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nagkataong magkasabay na magbabakasyon sa Europe?

Pagkatapos ng My Faithful Husband ay nagpasabi na raw si Dennis na magbabakasyon muna siya ng ilang araw dahil naging sunud-sunod naman ang trabaho niya.

Ang dinig namin, mag-Europe at ewan ko lang kung nakaalis na siya.

Napag-alaman din naming paalis na rin si Jennylyn patu­ngong Amsterdam.

Mukhang mag-iikot din siya sa ilang bahagi ng Europe pero wala kaming ideya kung sino ang makakasama niya.

Nagpaalam na si Jennylyn na absent muna siya sa Starstruck sa darating na Biyernes.

Kaya posibleng magkita sila roon ni Dennis. Hindi lang kami sure kung magkasabay nga ba silang umalis, dahil nakita pa silang magkasama sa Regine at The Theater concert ni Regine Velasquez.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELA MARKADO

DENNIS TRILLO

DIETHER OCAMPO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JOHN JAMES UY

KUNG

SIYA

WATTPAD PRESENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with