^

PSN Showbiz

Vivian Velez walang malay na nag-viral ang pagtatanggol kay Alma!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi pala alam ni Vi­vian Velez na nababasa ng madlang-bayan ang mga inilalagay niya sa kanyang Facebook account.

Ang sey ni Vivian, private message para sa isang kaibigan ang opinyon niya tungkol sa guesting ni Alma Moreno sa talk show ni Karen Davila. Nagulat na lamang siya nang maging viral ang kanyang komento dahil may nag-copy and paste ng pagtatanggol niya kay Alma.

Naniniwala si Vivian na hiniya ni Karen si Alma na naging tampulan ng mga tukso at bashing.

“I just found out that my comment regarding Ms Alma and KD gone viral. It was posted private for my friends but then someone copy and posted it for public. I have to stand up for what I believe in, even when I know I’ll hear people making hateful comments. But do I really care? NO!!!

“I’m so much aware that Internet provides the perfect forum for cyberbullies, just as much as in talk-show landscape. Somebody has to be courageous enough to actually stand up to, you know, the bullies.

“But could KD be faulted for being a keen manipulator who took advantage of her mastery of the medium? Yes and No... For all of its advantages, it is something of a double-edged sword. Ang sa akin lang, Alma said ‘nahihirapan na siya’ short of saying, please give me some chance here. Pero wow, tinira pa rin ng tinira. I’m only asking for a little bit of COMPASSION here. It’s not about work, but just plain being human.

“And in order for some people to insult me, I must first value your opinion. No one can define me or tell me who I am. I’m not afraid in taking risks especially in something I believe in,” ang Inglisera na deklarasyon ni Mama Vivian tungkol sa isyu na ilang araw nang pinag-uusapan.

Dahil palaban si Mama Vivian, hinihiling ng fans na imbitahan siya ni Karen sa mga future episode ng show nito para magkaalaman na raw kung sino ang sino. In English, who’s who!

Hindi nag-iisa si Mama Vivian. Marami ang mga kagaya niya na naging kontrobersyal dahil  kumakalat at nalalaman ng mga publiko ang mga personal sentiment na inilalagay nila sa social media, Facebook,  Twitter etc.

‘Yan ang isang disadvantage ng social media dahil pinaliliit nito ang mundo ng mga tao. Nawawala ang kanilang mga privacy, sa ayaw at sa gusto nila.

Mabuti na lang talaga, wala akong Facebook or whatever. Kung meron man, mga fake account at gawa-gawa ng mga impostor na happiness na ang mambuwisit ng kapwa.

Malou Choa-Fagar hindi kinalimutan ng mga bigating kaibigan sa kanyang 60th birthday

Early bird ako sa 60th birthday celebration ni Malou Choa-Fagar, ang bossing ng TAPE, Inc. at kasamahan ko sa PAMI.

Dahil sobrang aga ko, hindi ko na nakita ang ibang mga bisita na dumalo sa birthday party niya noong Sabado sa Valencia Events Place na pag-aari ni Mother Lily Monteverde.

Kahapon ko na lang nalaman na nakisaya kay Mama Malou sina Susan Roces, Helen Gamboa, Maricel Soriano, Pops Fernandez, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Senator Grace Poe at ang mga host ng Eat Bulaga.

Type na type ko ang personalized hand sanitizer na ipinamigay ni Mama Malou sa kanyang mga bisita. Ang bango-bango ng orange scented hand sanitizer kaya hindi ako pumayag na isa lang ang ma-take home ko.

ACIRC

ALMA MORENO

ANG

ANNABELLE RAMA

DAHIL

EAT BULAGA

FACEBOOK

MALOU CHOA-FAGAR

MAMA MALOU

MAMA VIVIAN

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with