^

PSN Showbiz

Piolo nag-iisang Pinoy na presenter; Charo, bubuksan ngayon ang International Emmy Awards sa New York

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tumulak na papuntang New York si ABS-CBN Pre­sident, Chief Content Officer, at CEO na si Charo Santos-Concio para pangu­na­han ang pagbu­bukas ng 43rd International Emmy Awards na gaganapin ngayong araw bilang bahagi ng kanyang pagi­ging Gala Chair.

Masayang-masaya si Ms. Charo sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng iEmmy’s board para i-host ang pinakamalaking pagtitipon ng pinakamahuhusay na creative at production teams at talents mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Hindi ko akalain na mabibigyan ako ng opportunity to be really of service to our Kapamilya, to our kababayans---to be able to re­present our country and my company with pride and honor.”

Kaugnay nito, ipinahayag rin ni Ms. Charo ang kumpyansa sa galing at husay ng Pinoy pagdating sa larangan ng broadcasting.

“A lot of Filipinos have great stories to tell about our Filipino spirit of strength and resilience. And I really hope more of our shows would be recognized by the international community. I’m sure na isang araw na five to ten years from now Filipino content will be as big as content from other parts of the world,” sabi niya.

Makakasama ni Charo sa prestihiyosong gabi ang aktor na si Piolo Pascual na naimbitahan naman para maging isa sa presen­ters. Makakahanay ni  Piolo ang mga naglalakihang artista mula sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang sina Michael Douglas, Tovah Feldshuh ng  The Walking Dead, Patina Miller ng The Hunger Games, at Lea DeLaria ng Orange is the New Black.

“It’s really overwhelming. This is something new for me and I’m just excited to be there and represent the country with Tita Charo. I’m really excited because we’re carrying the flag of the Philippines,” sabi ni Piolo.

Bukod sa pagiging Gala Chair ng Emmys, kinilala na rin si Charo sa iba’t ibang international award giving bo­dies. Napili na siya bilang Asian Media Wo­man of the Year ng ContentAsia, pinarangalan ng Gold Stevie award para sa Female Executive of the Year in Asia, Australia, or New Zealand category sa Asia Pacific Stevie Awards, at pinangalanan bilang isa sa most powerful/influential women ng Adobo Magazine.

Magaganap ang 43rd International Emmy Awards sa New York Hilton Hotel ngayong Lunes at pangungunahan ng Egyptian satirist na si Bassem Youssef bilang host. Ito at inorganisa ng International Academy of Television Arts & Sciences na kinabibilangan ng nangungunang media and entertainment figures mula sa mahigit 60 bansa at 500 kumpanya. Layunin nito na kilalanin ang pinakamahuhusay sa larangan ng telebisyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kaya naman pala Karla Estrada namamakyaw ng junk food at chicharon

Grabe raw palang mamili si Karla Estrada. As in umaapaw ang malaking cart sa isang high end supermarket nang makita ng isang friend ko. At ang kanyang binayaran daw, almost 60,000 sa isang tran­saction. Pero ang napansin ng nakakita, ang da­mi nitong biniling junk food and chocolates. At pag­la­bas daw ng supermarket, chicharon naman daw ang pinamili ng mader dear ni Daniel Padilla.

Kaya naman pala hindi siya masyadong puma­pa­yat dahil mahilig siya sa mga hindi masyadong healthy food.

Anyway, baka naman kasi may I share siya ng mga nasabing junk food and chocolates dahil birthday niya the other day at balitang nagpakain siya sa isang charitable institution.

ACIRC

ADOBO MAGAZINE

ANG

ASIA PACIFIC STEVIE AWARDS

ASIAN MEDIA WO

BASSEM YOUSSEF

GALA CHAIR

INTERNATIONAL EMMY AWARDS

KARLA ESTRADA

MS. CHARO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with