^

PSN Showbiz

Kris plastikada raw sa ginawang pagso-sorry!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Humingi ng apology si Kris Aquino sa mga na-offend niya sa na-post sa Instagram (IG) na quits na sila ng mga naglakad ng during APEC dahil nagka-sunburn siya.

May nagtanong kay Kris kung sincere siya sa paghingi niya ng apology at sinagot niya ng “SINCERE YES, NAPAGSABIHAN NO. At 44 years old, I have gained enough wisdom to explain & apologize. And now life moves forward.”

May sinagot din si Kris na tila at ang sabi nito, “I checked your page, Child of God pero ang comment DAMAGE has been done? You quoted so many of my favorite Bible verses, and yet you don’t have the Christian attitude of accepting an apology? Doesn’t add up, at least I may stumble, but when I get back up, I walk my Christian faith.”

Tinanggap ng kanyang followers ang apology ni Kris at inintindi siya, pero mayroon pa ring hindi matanggap ang apology niya dahil hindi raw apology ‘yun.

Alma hindi pa rin suko

Sa interview kay Alma Moreno ng GMA News, inamin nitong nasaktan siya sa pamba-bash sa kanya ng netizens dahil sa interview sa kanya ni Karen Davila sa Headstart ng ANC. Mangiyak-ngiyak pa si Alma nang ma-interview at amining hindi lang siya ang apektado, pati ang buong pamilya niya.

At the same time, pinasalamatan ni Alma ang mga nagtanggol sa kanya kabilang si Vivian Velez.

Sam sa TV5 muna

Madali kay Sam Pinto ang mag-guest sa TV5 kahit may show siya sa GMA 7 dahil sa Viva siya may kontrata.

After niya mag-guest sa Happy Truck ng Bayan, mapapanood si Sam sa Seducing Mr. Wrong episode ng Wattpad Presents.

Mapapanood ang Mr. Wrong sa December 14-18, 9pm., kung saan, kapareha ni Sam si Diether Ocampo

vuukle comment

ACIRC

ALMA MORENO

ANG

CHILD OF GOD

DIETHER OCAMPO

HAPPY TRUCK

KAREN DAVILA

MR. WRONG

NBSP

SAM PINTO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with