Mga anak ni Bossing Vic, kasali sa kasal nila ni Pauleen
Masayang malaman na may partisipasyon lahat ng anak ni Vic Sotto sa kasal nila ni Pauleen Luna. ‘Yun ang maganda kong nakikita kay Bossing Vic, close ang mga anak niya sa isa’t isa at kanino pa dapat mapunta ang kredito kundi sa kanya na siyang naglapit sa kanila sa isa’t isa. Mabuhay ka, Bossing.
Alma hindi raw dapat nagpa-interview sa news anchor
Ewan ko, hindi ako makapag-comment kung sino ba kina Karen Davila at Alma Moreno ang may kasalanan sa pagkakalagay ng huli sa kahihiyan dahil sa naging interbyuhan nila sa ANC. Dapat ba ibinagay ni Karen ang mga tanong niya sa kapasidad ng utak ng tumatakbong senador o dapat hindi pinili ng artista ang ANC para siya magpakilala pa sa manonood. Sana raw ay may nagpayo na lang kay Alma na sa isang showbiz na programa siya magpa-interbyu para naalalayan pa kaysa sa isang programa ng news dept.
Oo nga ano.
- Latest