John Lloyd-Bea tatlong taong namahinga
Ang tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang isa sa pinakamatagumpay na tambalan sa bakuran ng ABS-CBN sa pamamagitan ng iba’t ibang TV series. Ito’y na-extend sa kanilang tambalan sa pelikulang My First Romance in 2003 na pumatok sa takilya. Ito’y sinundan ng Now That I Have You (2004), Dreamboy (2005), All About Love at Close To You in 2006, One More Chance in 2007, Miss You Like Crazy in 2010 at 24/7 In Love at The Mistress in 2012 na kanilang huling tambalan sa pelikula.
Bago magtapos ang taon, pinagsama uli silang dalawa ng Star Cinema sa sequel ng One More Chance na A Second Chance na muling idinirek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.
Bea Saw parang wala pang asawa at dalawang anak
Ang ex-Pinoy Big Brother (PBB) big winner (second edition) na si Beatriz (Bea) Saw ay ipinakilala sa hit movie na One More Chance.
After eight years, si Bea ay muling nagbabalik sa sequel nito. This time, asawa na ni Bea ang kanyang longtime boyfriend na si Rock Tan at may dalawa na silang supling na ang panganay ay tatlong taong gulang na.
Pero kung hindi umamin si Bea na may asawa’t dalawang anak na siya ay walang mag-aakala dahil napakaganda at sexy pa rin nito hanggang ngayon.
Alma dapat munang pag-aralan ang mga tanong bago sumalang sa interview
Hanggang ngayon ay pinagpipyestahan pa rin ng netizens ang recent guesting ng senatoriable, ang outgoing Parañaque councilor na si Alma Moreno sa Headstart show ni Karen Davila sa ANC last November 11.
Isang lesson ang nakuha rito ni Ness na dapat ay handa siya sa anumang tanong na ipupukol sa kanya laluna sa mga current issues sa larangan ng good governance, public service, pulitika, at mga kaganapan sa ating kapaligiran lalupa’t mas mataas na posisyon na ang kanyang inaasinta.
Better yet, humingi siya ng questionnaire bago siya sumalang sa isang panayam para mapaghandaan niya ang kanyang mga isasagot.
Vic tinatawag na ng pulitika?!
Kung tutuusin, marami na ang nag-attempt na makumbinsi ang sikat na TV host-comedian-producer na si Bossing Vic Sotto na pasukin ang pulitika tulad ng kanyang nakatatandang kapatid na si Sen. Tito Sotto pero panay ang kanyang pagti-turn down dahil wala rito ang kanyang interes kundi sa larangan ng entertainment.
Pero mukhang hindi pa rin maiiwasan ni Bossing (Vic) ang pulitika dahil bukod sa kanyang mga kapatid na sina Sen. Tito at Val Sotto, papasukin na rin ng isa sa kanyang apat na anak na si Vico Sotto ang pulitika dahil nakatakda itong tumakbo sa pagka-konsehal sa unang distrito ng Pasig City sa 2016 elections.
Si Vico ay kaisa-isang anak ni Vic sa actress na si Coney Reyes at nagtapos ng Political Science at nagpapatuloy sa kanyang law proper sa University of the Philippines.
Si Bossing ay may apat na anak sa tatlong magkakaibang babae. Bukod kay Vico ay sina Danica at Oyo Sotto sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie, at ang bunsong si Paulina sa dating beauty queen-TV host na si Angela Luz.
- Latest