Bea at John Lloyd takot na ‘di maintindihan ang kanilang A Second Chance
Magkahalong emosyon ang nararamdaman nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz para sa pelikulang A Second Chance na ipalalabas na sa mga sinehan sa Miyerkules. Sumikat ang karakter ng dalawa bilang sina Basha at Popoy sa One More Chance na kanilang ginawa noong 2007.
“There’s fear kasi ‘yung expectations na hindi magkaroon ng open mind ‘yung mga tao while watching this. You’re not really supposed to compare it sa first movie namin because it’s very different. Ako, personally, I like our movie now sa personal taste,” giit ni Bea.
Umaasa naman si John Lloyd na magiging open minded ang mga manonood ng kanilang bagong proyekto. “You’re talking about a gap of eight years. Obviously mga ibang tao na ‘yung characters so medyo nag-create siya ng fear. Nag-aalala lang siguro kami. Kami ‘yung bahagi ng kwento, part kami ng nagkukuwento. Kagaya ng maraming viewers, mayroon talagang pumapasok ng sinehan na may certain expectations. Bilang creator, it’s something that makes you worry. Kasi hindi mo alam kung ano ang ini-expect nila,” pahayag ni John Lloyd.
Kaabang-abang daw ang bawat eksena sa A Second Chance lalo pa’t malayo na ang itinakbo ng istorya nito dahil walong taon na ang pagitan ng dalawang pelikulang nabanggit. “Kailangan mo balikan na this is just a story na we want to tell the audience. Kung hindi man ma-meet or kung hindi man sila nag-a-agree sa sinasabi ng pelikula, sa kanila ‘yun. Hindi pa namin hawak ‘yun. Siguro lang, dahil siguro sa familiarity ng love story nina Popoy and Basha sa medyo malaking audience, imposibleng hindi mo maisip sundan. Napakaganda ng timing kasi feeling ko napaka-interesting ng eight years,” paliwanag ni John Lloyd.
Makakasama pa rin sa bagong pelikula sina Dimples Romana, Bea Saw, Janus del Prado, Ahron Villena, at James Blanco.
Ngayon lang naka-move on kay Kean Alex hindi na mapigilan sa bagong manliligaw
Isang non-showbiz guy ang bagong nakikipag-date kay Alex Gonzaga ngayon. Aprubado na rin daw ng buong pamilya ni Alex ang binata.
Matatandaang si Kean Cipriano pa ang huling naging kasintahan ng aktres at naging kontrobersyal ang hiwalayan nila dalawang taon na ang nakararaan. “’Pag talagang right time, may right person para sa iyo, talagang walang ibang makakapigil. Parang smooth sailing, walang hindrance, walang hindi pwede, walang bawal, lahat maayos,” nakangiting pahayag ni Alex.
Naghintay daw talaga ang aktres ng tamang panahon kaya ngayon lamang ulit nag-e-entertain ng manliligaw. “Mas maganda po na naiintindihan ko po ang sarili ko kung hanggang saan ang kaya kong ibigay, kung ano ang kailangan ko, ano ang kaya kong i-compromise, ano ang hindi,” giit ni Alex.
Maraming natututunan ang dalaga mula sa relasyon ng kapatid na si Toni Gonzaga at asawang si Paul Soriano kaya gusto rin ni Alex na maging maayos ang kanyang susunod na relasyon. “Dapat ipapakita sa iyo ng lalaki kung gaano ka kaimportante at kung gaano ka niya kamahal. Kahit ano pang hirap o pagsubok, dapat ipapakita ng lalaki sa iyo na worth it, mahal ka niya,” pagbabahagi ng aktres.
- Latest