Hindi nananapaw Jessica Soho mas magalang mag-interbyu kesa kay Karen Davila
Ang interbyu ni Karen Davila kay Alma Moreno ang naging basehan para ikumpara siya kay Jessica Soho.
Ibang-iba si Mama Jessica dahil may paggalang ito sa kanyang mga bisita at siya mismo ang sumasalo sa mga guest na hindi masagot ang mga tanong niya.
Mataas ang respeto ng lahat kay Mama Jessica dahil iginagalang at pinoprotektahan niya ang kanyang mga iniinterbyu.
Ni minsan, wala tayong narinig na nagreklamo na hindi naging patas si Mama Jessica dahil mga papuri ang natatanggap niya mula sa kanyang mga bisita.
Ang mga katulad ni Mama Jessica ang dapat na tinutuluran ng ibang mga broadcast journalist na pabida at pabiba. Mga broadcast journalist na feeling celebrity dahil sinasapawan nila ang kanilang mga guest. Wala akong pinariringgan ‘ha? Ang maapektuhan, guilty!
Pagtulong ng First Lady ng Japan sa mga batang ulila mas masarap pakinggan kaysa pralala ni Kris sa nasunog na balat sa kakarampa sa APEC
Nadagdagan na naman ang paghanga ng mga Pilipino kay Mrs. Akie Abe, ang first lady ng Japan.
Matapos bisitahin ang NGO sa Payatas na sinusuportahan ng Japan, ang abandoned Filipino children ang dinalaw ng low profile first lady ng Japan na isang socialite at nagmula sa mayaman na pamilya pero walang kayabang-yabang sa katawan.
Touching ang pagluha ni Mrs. Abe habang pinapakinggan nito ang mga malulungkot na kuwento ng mga bata na walang mga magulang na binigyan niya ng mga notebook at ballpen.
Feel na feel ko ang genuine sincerity ni Mrs. Abe nang yakapin niya ang mga kawawang bata na napaiyak din.
Mas relevant na paulit-ulit na ikuwento at i-share ang good deeds ni Mrs. Abe kesa sa emote ni Kris Aquino na nasunog ang balat niya dahil sa tindi ng sikat ng araw nang rumampa siya sa kanyang terno sa Fort Santiago noong Huwebes.
Mga barong na tinahi pinuri-puri Paul Cabral personal na ipinakilala ni P-Noy kay Obama!
Hindi na maabot ang fashion designer na si Paul Cabral dahil sa interview sa kanya ng reporter ng ABC tungkol sa mga Barong Tagalog na ginawa niya para sa mga delegate ng APEC Summit.
Magaganda ang mga Barong Tagalog na tinahi at ipinasuot ni Paul kina U.S. President Barack Obama, Mexican President Enrique Nieto, Canadian Prime Minister Justin Trudeau at sa ibang world leaders.
Magaling naman talaga na fashion designer si Paul kaya paborito siya ng mga artista at kilalang personalidad. Sina Lorna Tolentino at Lani Mercado ang ilan sa mga alaga ko na madalas na nagpapagawa ng mga gown kay Paul.
I’m sure, kumita nang husto si Paul sa mga Barong Tagalog na ginawa niya. Puwedeng-puwede nang mag-relax si Paul pagkatapos ng APEC Summit pero sulit na sulit ang kanyang pagod dahil personal siyang ipinakilala ni P-Noy kay President Obama at dokumentado ito ng ABC News.
Shalala at Mr. Fu magbabasagan ng itlog!
May basagan uli ng itlog na mangyayari ngayong hapon sa CelebriTV.
Starring sa inaabangan na portion ng CelebriTV sina Shalala at Mr. Fu na dating co-host namin sa Tweetbiz ng QTV na GMA News TV na ngayon ang pangalan.
Hindi kayo magsisisi kapag pinanood ninyo ang CelebriTV dahil tiyak na maaaliw kayo.
AiAi magpo-promote ng concert para kay Mama Mary sa Kalyeserye
Magbabalik ngayon si AiAi delas Alas sa kalyeserye ng Eat Bulaga dahil hit na hit sa televiewers ang rivalry nila ni Lola Nidora (Wally Bayola).
Bukod sa tarayan nila ng lola ni Yaya Dub (Maine Mendoza), ipo-promote ni AiAi sa Eat Bulaga ang For the Love of Mama, ang benefit concert para sa pagpapatayo ng Kristong Hari Church.
Kasama ni AiAi sa benefit show sa Mall of Asia Arena sa November 23 sina Erik Santos at Alden Richards. Very affordable ang tickets ng concert na dapat suportahan dahil maganda ang layunin ni AiAi.
- Latest