^

PSN Showbiz

Mga nagdusa sa APEC ka-quits ni Kris ng kanyang karma sa sunburn

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maraming napa-react sa ginawang pagkukumpara ni Kris Aquino sa sunburn niya sa likod at sa mga nahirapang sumakay dahil sa pagsasara ng mga kalye sa maraming lugar sa Maynila dahil sa idinaos na APEC sa bansa.

Hamakin mo nga namang ikumpara niya ang inabot niyang sunburn sa pag-e-entertain sa mga bisita particular na sa mga asawa ng State leaders na nagdulot ng pagod at hirap sa mga nagtatrabaho sa lugar na naparalisa.

Ang layo nga naman ng point of comparison. Si Kris, choice niya ang ma-sunburn dahil wala namang nagsabi na magsuot siya ng terno sa kalagitnaan ng tirik ng araw na may lace sa likod habang ang mga misis ng mga Prime Ministers at Presidente na ibang miyembro ng APEC ay mga naka-dress lang.

Eh ‘yung mga nahirapang mag-commute, wala silang choice kundi magdusa ng ilang araw. Bukod nga naman sa na-stress sila sa traffic, malamang nabawasan pa ang kita nila.

Ang feeling ng mga nakabasa sa post ni Kris, pinairal niya ang pagiging insensitive. Kaya katakut-takot na pang-iimbyerna, panglalait, at masasakit na salita ang ipinaligo ng netizens sa presidential sister.

Heto ang tweet niya : About to sleep, Bimb took this picture- decided to post this so we can all have a good laugh tonight sa karma ng kaartehan ko na SUNBURN ako ng bongga- nabilad in Fort Santiago at the peak of the just before noon heat... You’ll love the sense of humor of my sister Viel, baka daw my entire back nag ka lace patterned sunburn. Si Bimb naman said the shape of the sunburn is like the Batman mask from the Michael Keaton era ... Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag commute these past few days, patas ang mundo, patche patche naman ang balat ko. #LaughterIsTheBestMedicine (I drank Paracetamol kasi parang lalagnatin ako sa init ng balat ko, any sunburn suggestions?) GOOD NIGHT. #LoveLoveLove.

Kris proud sa pinsan na si Bam sa pagboto kay Grace, Korina nakalimutan na nasabitan

Speaking of Kris, obvious na ikinatuwa ng presidential sister ang na­ging desisyon ng pinsang si Sen. Bam Aquino patungkol sa disqualification case ni Sen. Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET) nitong Martes.

Sabi ni Kris sa kanyang Instagram account din, proud na proud siya sa kanyang pinsan sa pagboto para sa pagbasura ng petisyon para idiskwalipika si Grace.

Ipinost ni Kris sa Instagram nitong Huwebes ng hapon ang picture ni Bam kasama pa ang lyrics ng  I Made It Through the Rain na kanta ni Barry Manilow.

 “I admire Sen. @bamaquino’s decision on the SET issue of natural born citizenship (w/ reference to Sen. Grace Poe)-pinili nya ang prinsipyo at hindi lamang partido. Yes, he’s my 1st cousin & I work closely w/ his wife @timiaquino yet this post is just to simply tell Bam that I admire his choice to vote w/ his conscience. I’m proud to have campaigned w/ him & for him & voted for him in 2013,” sabi ni Kris.

Ginawa nga naman ito ni Bam kahit kapartido niya sa Liberal Party si Mar Roxas na isa sa mga katunggali ni Grace sa labanan sa pagka-pangulo ng bansa.

Kahit inaakusahang insensitive, ang isang magandang attitude nga lang ni Kris transparent siya at walang paki kahit may masabitan like ito ngang kay Sen. Bam

Direk Wenn masaya sa resulta ng Wang Fam

Maganda ang feedback ng horror comedy film na Wang Fam na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan last Wednesday.

Walang nanood ang hindi naaliw sa bagong obra ni Direk Wenn Deramas.

Kaya naman masaya si Direk Wenn dahil mas marami ang natawa kesa sa nang-iinis sa kanyang pelikula na pinagbibidahan nina Benjie Paras, Pokwang  and loveteam nina Andre Paras and Yassi Pressman for Viva Films.

Ang ganda ng timing ng showing ng movie dahil walang pasok sa eskuwelahan dahil nga sa APEC.                                  

ACIRC

ANDRE PARAS

ANG

BAM AQUINO

DIREK WENN

GRACE POE

KRIS

MGA

NBSP

STRONG

WANG FAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with