May ibang idini-date na Joseph at Alex parehong hindi ready kaya hindi nagkainlaban
Napabalita noon na nililigawan daw ni Joseph Marco si Alex Gonzaga. Naging malapit ang dalawa dahil nagkasama sa teleseryeng Pure Love na pinagbidahan nila.
Hindi na raw itinuloy ng aktor ang hangarin kay Alex dahil sa ilang mga bagay. “It’s hard to explain, siguro no’ng time na ‘yon parehas kaming hindi ready. Si Alex tsaka ako parehas kaming hindi ready,” pagtatapat ni Joseph.
Hindi man naging opisyal na magkarelasyon sina Joseph at Alex ay magkaibigan pa rin naman sila hanggang ngayon. “We’re friends naman. We text once in a while tapos I just saw her last sa party ni Sir Deo (Endrinal). Okay naman,” pagbabahagi ni Joseph.
Samantala, si Kazel Kinouchi naman daw ang bagong idine-date ngayon ng aktor na kanyang kasama sa teleseryeng Pasion de Amor.
Si Hazel din ang naging date ni Marco sa Star Magic Ball ilang buwan na ang nakalilipas.
Julia at Kenzo hindi nagkailangan kahit may nakaraan
Magkakatambal sa Wansapanataym series sina Julia Barretto at ang dating Pinoy Big Brother 737 housemate na si Kenzo Gutierrez. “It has something to do with selfie. It’s funny because in some way, parang ako rin naman ma-selfie. So siguro medyo mapa-parallel ang character ko in that way. But then I want na mapanood nila kasi it will be magic and all,” nakangiting bungad ni Julia.
Kabilang din daw si Kenzo sa teleseryeng And I Love You So ayon sa aktres. “His role is very important and very special ang character niya sa And I Love You So, but I want it to be a surprise kasi hindi siya papasok agad sa week 1 eh. Parang later on pa so it’s a surprise what his role is pero sobrang ganda ng role niya and very close ang characters namin,” pagbabahagi ng dalaga.
Matatandaang naging kontrobersyal ang pahayag ni Kenzo noon sa PBB tungkol sa diumano’y naka-date na niya si Julia. “We’re still really good friends and he’s actually doing good for a first timer. Magaling naman siya. It’s been fun. It’s really been fun working with him,” giit ni Julia.
Hindi raw nagkailangan ang dalawa nang muling magkita pagkatapos pumutok ang isyu tungkol sa kanila. “Surprisingly, no awkwardness at all. When he got out of the (PBB) house and then we did the first taping day for And I Love You So. Actually before that, I saw him pa nga sa ASAP, there was zero awkwardness. I’m happy that it was like that,” dagdag pa niya.
- Latest