First Lady ng Japan nakipagtsikahan sa mga taga-Payatas
Kris malamang na-highblood, naka-terno kahit tirik na tirik ang araw
Nakuha ni Japan First Lady Akie Abe ang paghanga at ang respeto ng mga Pilipino dahil sa pagbisita niya noong Miyerkules sa Payatas, Quezon City.
Simpleng-simple lang ang kasuotan ni Mrs. Abe dahil kung hindi mo ito kilala, hindi mo mapagkakamalan na siya ang First Lady ng Japan.
Hindi natakot si Mrs. Abe na makihalubilo sa mga residente ng Payatas nang dalawin niya ang mga kababaihan na tumatahi at nagbuburda ng mga kagamitan na ibinebenta sa Japan.
Ang mga katulad ni Mrs. Abe ang dapat na sinasamahan ni Kris Aquino para makapuntos ito sa masang Pilipino na bayolente ang mga reaksyon sa pagsalubong niya kay Mexican President Enrique Nieto.
Kung si Mrs. Abe ang kasama ni Kris, hindi na nito kailangan na magbihis ng terno sa gitna ng mainit na sikat ng araw tulad ng suot niya kahapon sa Intramuros. Worried na worried ang fans ni Kris na baka tumaas uli ang kanyang blood pressure dahil hindi biro ang magsuot ng terno habang tirik na tirik ang araw. Stressful kaya ang mag-asikaso sa mga lider na nag-join sa APEC Summit?
Wang Fam umaani ng positive feedbacks
Ngayon ang third day sa mga sinehan ng Wang Fam at dahil wala pa ring pasok ang mga estudyante sa Metro Manila, may chance pa sila na mapanood ang isa sa funniest movie ng Viva Films.
Happy ang Viva Films sa mga positive feedback na natatanggap nila mula sa mga nanood ng pelikula nina Pokwang, Benjie Paras, Andre Paras, Yassi Pressman, at Alonzo Muhlach.
Walang nagsabi na na-bore sila habang nanonood dahil bentang-benta sa kanila ang mga wacky scene ng pelikula.
Muling pinatunayan ni Wenn Deramas na alam na alam nito ang pulso ng masa. Mahirap nang mapantayan ang achievements ni Wenn bilang blockbuster director dahil talagang pinipilahan sa box-office ang mga comedy movie niya.
Apo ni Mother Lily na si Keith mapagkakamalang kapatid ni MGB
Puwedeng pumasa na nakababatang kapatid ni Papa Miguel Belmonte si Keith Monteverde, ang anak ni Roselle at apo ni Mother Lily Monteverde na ikinasal sa Boracay noong November 14.
Malaki ang pagkakahawig ng dalawa at ito ang unang napansin ko nang magkita kami ni Keith sa Shangri-La Boracay.
Pareho rin na soft-spoken at mabait sina Papa Miguel at Keith kaya mapagkakamalan sila na magkamag-anak.
Diether kinukumusta si Claudine
Ipinaaabot ni Diether Ocampo ang pangungumusta niya sa kanyang kaibigan na si Claudine Barretto dahil matagal na raw silang hindi nagkikita.
Magkaibigan ang pralala noon nina Diether at Claudine pero kung talagang friends sila, bakit walang komunikasyon ang dalawa?
Na-mention ang pangalan ni Claudine sa presscon ng Wattpad Presents dahil sa tsismis na magkakasama sila ni Diether sa isang teleserye ng TV5.
Parang hindi alam ni Diether ang tsismis dahil wala pa raw offer na dumarating sa kanya.
Ito rin kaya ang teleserye na pagsasamahan daw nina Claudine at Jasmine Curtis Smith?
Ang unang balita na narinig ko, inialok kay Cesar Montano ang role pero sa presscon ng bagong reality game show ni Derek Ramsay, sinabi nito na posibleng makatrabaho niya sina Claudine at Jasmine sa isang coming soon teleserye ng TV5 at noong Miyerkoles, si Diether naman ang tinanong ng mga reporter tungkol sa isyu.
Kesa mag-speculate, hintayin na lang natin ang official announcement ng TV5 at ni Boss Vic del Rosario, ang Chief Strategist ng network. Basta ang alam ko, maraming projects na inihahanda si Boss Vic para sa TV5.
- Latest