Sen. Grace Poe chapel agad ang hinanap nang matunugan ang desisyon ng SET
Short but sweet ang statement ni Susan Roces aka Manang Inday tungkol sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal na ibasura ang disqualification petition laban sa kanyang anak na si Senator Grace Poe.
Kahit sino naman ang nasa posisyon ni Manang Inday, matutuwa sa naging pasya ng SET dahil witness siya sa lahat ng mga pasakit na pinagdaanan ni Mama Grace.
Parang eksena sa pelikula ang nangyari nang matanggap ni Mama Grace ang good news habang nasa Biñan, Laguna siya para sa isang forum ng mga estudyante.
Si Gary Jimenez na kasama ni Mama Grace Poe ang saksi sa buong pangyayari na ibinahagi ng former movie writer na si Baby K. Jimenez.
Ito ang eyewitness account ni Gary sa eksena na nangyari sa tunay na buhay at hindi lamang sa pelikula.
“When GP (Grace Poe) learned of the good news, we were in Tito Tony and Tita Daisy Tamayo’s residence inside the University of Perpetual Help’s Biñan campus.
“GP was praying in front of a Christmas belen featuring an image of our Sto. Niño. Right after learning of the decision, she smiled and told me: “Atty., may trabaho ka pa!” In reaction, I raised my two hands and shouted in joy.
“It was a celebration not for keeping my job as I could always go back to law practice. Neither was it for GP alone as she has readied herself for any eventuality. Rather, it was a celebration and a thanksgiving for all the foundlings and disadvantaged children of the country whose unfortunate beginnings should provide all reason for our laws and our magistrates to protect and treat them equally as the rest of us.
“And so right after the students’ forum ended, GP asked us where the chapel was so she could pray. The chapel was more than a soccer field away but she did not mind it.
“The next thing that transpired did not really surprise us any more. She took off and ran almost the entire length of the field even as young children then playing in the grass saw her and shouted: ‘Grace Poe! Grace Poe!’
It was surreal, to say the least. But then, what can be more surreal than the prospect of a foundling -- one who was left and abandoned inside a church -- eventually becoming the president of the country?”
Ibang nanood ng premiere ng Wang Fam sa lapag na lang umupo
Successful ang premiere night ng Wang Fam noong Martes at ayon ito sa isang nanood ng pelikula ng Viva Films na nagbukas kahapon sa mga sinehan.
Ang sey ng aking informer, walang bakanteng silya sa lodge at orchestra section ng sinehan kaya nakuntento na lang na maupo sa sahig ang mga nanood na inumpisahan at tinapos ang pelikula na puwedeng magkaroon ng sequel.
Happy ang lahat dahil na-entertain sila sa panonood. Non-stop daw ang kanilang pagtawa kaya inabot sila ng gutom.
Pinanood ni Boss Vic del Rosario at ng kanyang mga anak ang Wang Fam. Masaya ang mga bossing ng Viva sa reaksyon ng manonood, isang pamantayan na magugustuhan ng masa ang kanilang pelikula na hindi natakot tapatan ang isang big-budgeted movie.
Never nakalimot sa mga kaibigan James at Nadine mahal na mahal sina Andre at Yassi
Tunay na kaibigan talaga sina Nadine Lustre at James Reid dahil tinupad nila ang pangako na dadalo sa premiere night ng Wang Fam bilang suporta kina Andre Paras at Yassi Pressman.
Hinihikayat din nina Nadine at James na panoorin ng JaDine fans ang Wang Fam. Ganyan nila kamahal sina Andre at Yassi.
- Latest