Kobe may posibilidad makalaro sa NBA; Connected sa pag-atake sa Paris... Regine takot nang ilabas ang anak
PIK: Apektado ang taping ng ilang drama series ng GMA 7 dahil sa APEC Summit.
Ang Beautiful Strangers na malapit nang matapos ay ipinagpaliban muna talaga ang taping dahil mahihirapan lang daw sila sa paglipat-lipat ng location dahil sa mga ilang lugar na hindi puwedeng pasukin at erratic na traffic sa mga daan.
Ang ilang programa rin sa ABS-CBN 2 ay maagap sa pagkuha ng mga Viber account at landline ng mga artistang involved. Paghahanda raw ‘yan kung sakaling mawalan ng signal ang cellphone, maku-contact pa rin sila para sa detalye ng taping.
Ang iba naman ay nagbakasyon na lang muna. Tamang-tama naman at tapos na ang taping ng My Faithful Husband, kaya humingi muna ng ilang araw na bakasyon si Dennis Trillo, na mukhang hindi kasama si Jennylyn Mercado dahil marami pa ring trabaho ang huli.
PAK: Proud na proud si Benjie Paras sa bagong achievement ng anak niyang si Kobe Paras na kinuha na ng UCLA.
Nagsimula na ng training si Kobe at may posibilidad na pumasok sa NBA. Pero hindi naman daw nagmamadali si Kobe dahil naka-focus din siya sa pag-aaral.
Sobrang miss na raw ni Andre ang kanyang kapatid, kaya titiyakin nilang magkikita sila sa darating na Pasko.
Ang dami na ring nakaabang na mga programa rito kay Kobe para mag-guest kung sakaling dito siya magpa-Pasko.
BOOM: Dahil sa nangyari sa Paris, tila takot na si Regine Velasquez na ilabas ang anak niya.
Gusto sana ng Asia’s Songbird na isama pa rin si Nate at paakyatin ng stage sa kanyang Regine at the Theater concert, pero medyo natatakot daw siya ngayon sa mga nangyayari. Parang mas gusto raw niyang sa bahay na lang ang anak niya.
“Bahala na. If I’ll bring him, baka dadalhin ko siya sa stage,” pakli ni Regine na pinaghahandaan ang last two nights ng Regine at The Theater concert niya sa Solaire Theatre sa November 20 at 21.
- Latest