Sam hindi na interesado kay Maja
Kamakailan ay nabanggit ni Maja Salvador na ‘urong-sulong’ daw si Sam Milby pagdating na pagpaparamdam o panliligaw sa kanya. Aminado naman si Sam na talagang nagustuhan niya ang aktres. “We’ve been friends for the longest time. Nagparamdam ako sa kanya, I really did. I made her feel na I was interested and I did like her,” pagtatapat ni Sam.
Nangyari raw ang panliligaw ng aktor sa dalaga ilang taon na ang nakararaan. “Mga three years ago. It was before Gerald (Anderson). Si Maja is really someone that I really, really admire. You can talk to anybody in the business but she’s just a real person. The way she is with everyone, she really cares about them,” pagbabahagi ni Sam.
Posible kayang manumbalik ang pagtingin ng aktor kay Maja ngayong pareho naman silang walang karelasyon? “I can’t say if pwede pa for the fact that I am obviously interested in somebody right now. I don’t think it would be right naman. But she’s someone that I really, really admire,” giit ng binata.
Samantala, isang blogger at model daw ang idine-date ni Sam ngayon at espesyal sa puso ng aktor. “Everything that came out on Internet was from people assuming. I don’t want to share pa. We are still getting to know each other better. I’m taking time naman. We are just getting to know each other. It’s going well,” nakangiting pahayag ng aktor.
Ysabel hindi takot sa mga banta ng JaDine fans
Nakararanas ng pamba-bash online ngayon si Ysabel Ortega na gumaganap bilang ka-love triangle nina James Reid at Nadine Lustre sa teleseryeng On the Wings of Love. Si Ysabel ay anak nina Lito Lapid at dating aktres na si Michelle Ortega. “Bina-bash po nila ‘yung karakter ko. Sinasabi po nila na maarte ‘yung karakter ko, masyadong flirty at kikay. Wala pa naman pong masyadong ginagawa ‘yung karakter ko pero nati-threaten na sila. Tapos ayaw na ayaw po nila ‘yung tingin ko kay Clark kasi ang lagkit-lagkit po daw. Sinabi po nila na tutusukin daw po nila ‘yung mata ko. ‘Yung iba aabangan daw po ako sa labas ng tenement,” kwento ni Ysabel.
“Pero kahit naman po namba-bash na direkta po sa akin, siyempre naiintindihan ko naman po ‘yon. Kasi gano’n talaga ‘yung role na pinasok ko eh,” dagdag ng aktres.
Hindi naman daw natatakot si Ysabel sa mga tagahanga ng tambalang JaDine kahit inaaway siya ng ilan dito. “Iniintindi ko na lang po. Kasi po it’s just a show, wala naman pong personalan. Tapos ‘yung iba po, sinasabi naman nila na si Angel lang dapat ‘yung i-hate nila at huwag si Ysabel. May iba rin po na dini-defend pa ako kapag nagsasabi ng masama sa akin. Very nice po sila,” paliwanag ni Ysabel.
- Latest