Kris ni-request ni Mexican Pres. Nieto na makasama sa state visit
MANILA, Philippines – Wow, bentang-benta na naman sa mga Pinoy ang kapogian ng APEC hotties na sina Mexican President Enrique Nieto at Canadian Prime Minister Justin Trudeau na magkasunod lang dumating ng bansa para sa ginaganap na APEC Summit. Aligaga ang maraming netizens sa kanilang mga litrato at kanya-kanyang comment sa dalawang head of state. Kaya naman trending sila agad-agad sa Twitter kahapon.
Pero mas nakauna na si Kris Aquino dahil siya pala ang ni-request ni Mexican President Nieto na makasama sa kanyang State Visit kung saan ipinakita ni Kris ang request. Kaya naman ang presidential sister ang kasama sa Luneta with Mayor Erap ni Nieto kahapon. Buti na lang at may asawa si Pres. Nieto na isang model din or else nagawan na sana sila ng isyu ni Kris.
Ang mga Pinoy talaga noh. ‘Yan ay sa kabila ng nakakalokang traffic sa maraming lugar kahapon.
Susan nagpapasalamat sa desisyon ng SET
Maiksing-maiksi lang ang reaction ni Ms. Susan Roces sa pagkaka-pabor kay Sen. Grace Poe ng decision ng Senate Electoral Tribunal sa reklamo ng nagngangalang si Rizalino David sa botong 5-4 para sa kanyang citizenship.
“At the moment I am too emotional for words. Except to thank everybody who defended the rights of FOUNDLINGS.
“To my daughter Grace, I thank the Lord He gave me you and you found your way in to my and your papa’s lives,” sabi ni Tita Susan sa ipinadalang message ng talent manager niyang si Tita Dolor Guevarra.
Laging emosyonal si Tita Susan sa tuwing pag-uusapan ang tungkol sa isyu ng citizenship ni Sen. Grace.
Coco six foot na bouquet ang ipinadala kay Maja
OA naman, pero six-foot tall bouquet of flowers ang ipinadala ni Coco Martin kay Maja Salvador na leading lady niya rin sa Ang Probinsiyano para pa rin i-congratulate ang actress sa kanyang concert sa MOA noong Biyernes ng gabi.
At least hindi man tinao ang concert ni Maja, ramdam na ramdam naman niya ang suporta ng kanyang mga kaibigan.
Richard puwede na uli sa GMA?!
After two years, nagkaayos sa beauty salon ng Shangri-La Boracay sina Tita Annabelle Rama and Ms. Annette Gozon.
Si Ms. Annette Gozon ay isa sa mga ninang sa kasalang Keith Monteverde/Winni Wang habang si Tita Annabelle at asawang si Tito Eddie Gutierrez ay kasama sa iilang imbitado ng pamilya Monteverde.
Nasa salon ako nang mapansin kong super tsikahan na ang dalawa at nagbibiruan pa.
Nauna sa salon si Ms. Annette at nang mapansin niyang andun din si Tita Annabelle ay kinausap niya ito.
Maalalang nagkaroon sila ng ‘problema’ noon nang idemanda ni Sarah Lahbati si Ms. Annette ng perjury. At kinasuhan naman ni Ms. Annette ng libel noon si Sarah.
Hanggang madamay si Richard Gutierrez dahil pinapa-renew siya noon ng contract pero hindi niya ma-renew dahil hindi naman nila masabing aalis sila ni Sarah dahil buntis na nga ang huli. Hanggang nawala na nga si Richard sa GMA.
And the rest is history sabi nga. Lahat ‘yun ay water under the bridge now.
Ngayon ayus-ayos na sila kaya malay natin bumalik si Richard sa GMA ngayong ayos na sina Tita Annabelle at Ms. Annette.
Eh ‘yung Panday sa TV5 naman daw ay wala pang linaw ayon mismo kay Tita A.
Nag-iisang animated film entry, hinirang na best film sa Cinema One originals
Pinarangalan na Best Film ang nag-iisang animated entry sa Cinema One Originals ngayong taon na Manang Biring ni Carl Joseph Papa sa 2015 Cinema One Originals awards night.
Kinilala rin ang Manang Biring sa dalawa pang kategorya na Best Music at Champion Bughaw Award.
Ang pelikula ay umiikot sa buhay ni Manang Biring, isang matanda na may stage four breast cancer na makakatanggap ng isang liham mula sa isang kamag-anak na gusto siyang makasama sa nalalapit na Pasko.
“Nagbakasakali lang ako na mapili ang Manang Biring sa Cinema One Originals dahil gusto ko matupad ang pangarap namin na makagawa ng full-length animated film,” sabi ni Carl.
Samantala, ang pelikula ni Ralston Jover na Hamog tungkol sa apat na street children na biglang magbabago ang buhay dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, ay nagkamit ng apat na parangal kabilang na ang Jury Award, Best Editing, Best Supporting Actor, at Best Actress.
Nahuli rin ng young stars ng Hamog na sina Therese Malvar at Bor Lentejas ang atensyon ng audience nang pangalanan sila bilang Best Actress at Best Supporting Actor ng festival, kung saan kalaban nila sa kategorya ang ilang mga beteranong actor sa industriya.
Speechless ang dalawang newcomers mula sa Hamog sa pagtanggap nila ng award sa stage. Napaluha si Therese, 15, nang tanggapin ang kanyang pangalawang Best Actress award sa kanyang karera at lubos na nagpasalamat kay direk Ralston.
“Serious po ang role ko sa Hamog. Very thankful po ako kay direk Ralston dahil sa kanyang tulong at mentorship para magawa ko ng maayos ang role ko,” ani Therese. Dagdag pa niya, “Hindi ko po talaga inexpect ito. Hindi nga po ako nakapag-prepare ng maayos na speech. Thankful lang po ako sa aking management, sa aking mga magulang, at kay Lord.”
Ang Cinema One Originals ay annual film festival na binibigyan ng pagkakataon ang mga talentadong Pinoy storytellers na isapelikula ang kanilang mga kwento mula pa noong 2004.
- Latest