^

PSN Showbiz

Luis mas magaling kay Billy?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Wala namang nagsasabing hindi magaling na TV host si Luis Manzano, pero questionable lalo na sa followers ni Billy Crawford kung bakit kailangang tanggalin ang That’s Entertainment alumnus sa pagiging host ng Celebrity Playtime para lamang kay Luis. Eh sanay na ang manonood kay Billy na host ng programa.

Pero meron ba namang choice si Billy kundi tanggapin ang decision ng kanyang network kahit na I’m sure naapektuhan din siya sa pagkawala ng isa niyang game show.

Nora hindi na keri ang magdamagang trabaho

Dala na marahil ng kanyang edad kung kaya hindi na makaya ni Nora Aunor ang magdamagang shooting o taping at nagkakasakit na siya. Pero sino namang kaedad niya ang hindi mapapagod kapag magdamag ang taping?

Kaya kayong mga kumukuha sa kanya, make sure na before midnight ay tapos na ang mga eksena niya. Para naman sa susunod na araw ay productive pa rin siya. Pwede?

TV5 makakauna kay Claudine

Ang TV5 pala ang makakauna kay Claudine Barretto at hindi ang ABS-CBN?

Balitang may nilulutong serye para kay Claudine kasama ang prinsesa ng TV5 na si Jasmine Curtis Smith.

Sina Derek Ramsay at Cesar Montano raw ang magiging leading men ng dalawa.

Julia naiwan na si Kathryn, kayang mag-solo at magpapalit-palit ng kapareha

Ganda naman ng taguri kay Julia Montes ng kanyang network na Royal Princess of Drama. Ganda, ‘di ba? Pero malaking pressure rin ito dahil sa rami nilang Kapamilya actresses ay kailangan niyang ma-assert ang kanyang sarili. Baka kasi hindi siya makakuha ng proyekto at masayang ang kanyang titulo.

Mas lamang naman siya sa kanyang kasaba­yang si Kathryn Bernardo dahil mahihirapan na itong mag-solo, ‘di tulad niyang nakakaya at tuma­tanggap ng iba’t ibang kapareha.

 

ACIRC

ANG

CELEBRITY PLAYTIME

CESAR MONTANO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

JASMINE CURTIS SMITH

JULIA MONTES

KATHRYN BERNARDO

NORA AUNOR

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with