^

PSN Showbiz

Nagawa lang daw niya ‘yun dahil kay Lord Regine sumakit ang balakang at nawalan ng boses pagkatapos ng concert

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumakit ang balakang at halos nawalan ng boses ang Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kanyang naunang dalawang gabing concert na Regine at The Theater sa Solaire. “Feeling ko si Lord na lang ang nag-push sa akin. Parang hindi na talaga ako ‘yun,”  kuwento ni Regine kahapon kung paano niya nairaos ang nasabing concert na ngayon lang niya ginawa.

Pawang kanta sa musical plays kasi ang concept ng show niya kaya talagang hirap daw siya.

At iba-iba ang level of difficulties ng mga kinanta niya ayon pa kay Songbird dahil pawang highlight ng musical shows ang mga kinanta niya. “Eh iba-iba ang placement na lalong nagpahirap sa akin,” amin pa ni Regine.

At kapos ang isang araw para maka-recover siya. Actually, after three days, parang pagod pa rin daw siya.

Kaya naman kung may plano mang extension after November 20, 21, ayaw na niya.

Sinabi pa niya na hindi siya super human para mapantayan ang ginawa niya sa susunod na dalawang gabi. “Kasi mahirap talaga ‘yung show. I don’t think I can top that, it’s really practically impossible na – to top that. Kasi parang over na, parang super-human ang pwedeng gumawa no’n at 23 years old,” sabi niya pa.

Kung sabagay, puring-puri naman ng lahat si Regine sa nasabing concert. Kakaiba raw talaga ito.

May two-week break siya para mag-prepare sa susunod na dalawang gabi na kinasasabikan nang panoorin ng kanyang fans.

Mother Lily iyak nang iyak sa kasal ni Keith

Simple, elegant and classy ang naganap na kasalan ng apo ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment noong nakaraang Sabado ng hapon sa Shangri-La Boracay.

Lahat natuwa at naramdaman kung gaano ka-in love ang bagong mag-asawa na sina Keith Monteverde at ang misis na niya ngayong si Winni Wang na isang Taiwanese pero nag-aral at naka-base sa Amerika.

Ang ganda ng story ng naging mag-asawa – kung paano sila nagka-inlaban. Parang ‘yung nababasa mo lang sa libro.  Isang lawyer si Keith at doctor naman si Winni.

Kauna-unahang apo ni Mother Lily si Keith kaya naman ganun na lang ang pagmamahal niya rito.

Ang wish niya sa bagong mag-asawa, bigyan agad siya ng maraming apo (sa tuhod). “Isang dosena ang gusto ko, masaya ‘pag may mga bata,” paulit-ulit na sabi ni Mother Lily.

Maiksi lang ang wedding ceremony pero very emotional ang vows nina Keith and Winni.

“Iyak ako nang iyak nang marinig ko ang vows nila!” pagkukuwento pa ni Mother Lily.

Eh ano naman kaya regalo ni Mother Lily sa bagong mag-asawa : “Tears and love! Hahaha!” biro niya.

At sa wedding reception ay paulit-ulit nang sinasabi ni Mother Lily na gusto na niya agad ng apo na sinabi pa niya sa kanyang speech na ikinaaliw ng mara­ming bisita.

Isa pang ikinatuwa ng mga bisita kay Mother Lily ay ang pagsayaw nila ng apo ng Que Sera Sera.

Paboritong kanta niya kasi ‘yun kaya naman todo siya sa pagsayaw nila ni Keith.

Ilan sa mga tumayong ninong at ninang sina Batangas Gov. Vilma Santos, Sen. Loren Legarda, Ms. Robina Gokongwei, Ms. Annette Gozon at Direk Joey Javier Reyes.

Ang mother naman ni Keith na si Roselle ay cool na cool kahit alam mong mangiyak-ngiyak nang magsayaw silang mag-ina sa reception. At sa totoo lang, hindi mapagkakamalan silang mag-ina, parang magkapatid lang. Pero ang puna ng maraming bisita, mas kamukha ni Ms. Roselle ang kanyang daughter-in-law na si Winni. Actually, parang sila raw ang mag-ina.

Kahapon lang sila bumalik ng Manila at namahinga pa ang pamilya Monteverde at Wang na mga nanggaling ng Taiwan, sa Boracay na hindi pinagsasawaang balik-balikan ng mga foreigner.

Mga Pinoy APECted much sa APEC

APECted much ang karamihan sa magaganap na APEC sa bansa na officially ay magsisimula ngayong araw.

Maraming naglakad kahapon dahil sa pagdurusa sa traffic.

Bukod sa traffic, torture rin ang mga nagkalat na text message na kailangan daw mag-ingat at laging maglagay ng contact numbers sa mga wallet at emergency hotlines dahil nga high risk ang mga panahong ito sa terorismo.

At ang nakalagay pa sa mga nagkalat na messages, hindi advisable na maglalabas ng bahay at magdasal.

Malayo man kasi ang Paris sa Maynila, siyempre may issue ng terrorism ngayon sa buong mundo. Eh nasa bansa ang world leaders, kaya talagang red alert. #APECtedMuch #PrayForTheWorld #PrayForParis #APEC2015

 

ACIRC

ANG

BATANGAS GOV

KEITH

LANG

LILY

MAG

MGA

MOTHER

MOTHER LILY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with