Concert ni Maja nilangaw!
SEEN: Ang clarification ng ABS-CBN management na si Charo Santos-Concio pa rin ang presidente at CEO ng Kapamilya Network.
SCENE: Ngayon ang biyahe ni Charo Santos-Concio sa New York dahil siya ang gala chair at magbibigay ng speech sa 43rd International Emmy Awards sa November 23.
SEEN: Ang nagkakaisang pagkondena at hiling na dasal para sa kapayapaan ng mga Filipino celebrity tungkol sa terrorist attack sa Paris noong Friday, the 13th.
SCENE: Ang birthday ni Lola Nidora (Wally Bayola) ang ipinagdiwang kahapon sa kalyeserye ng Eat Bulaga, hindi ang kaarawan ni Wally Bayola dahil sa May 3 pa ang birthday ng comedian na nagbibigay-buhay sa karakter ni Lola Nidora.
SEEN: Too much too soon ang major concert ni Maja Salvador sa Mall of Arena noong Friday, the 13th. Bigay-todo ang performance ni Maja, kahit maraming silya ang bakante.
SCENE: Tama ang desisyon ni Jinkee Pacquiao na huwag nang kumandidato sa 2016 para hindi na masilip ng kanyang detractors ang madalas na pangingibang-bansa nila ni Congressman Manny Pacquiao. Si Jinkee ang incumbent Vice Governor ng Sarangani province.
SEEN: Ang 20th Anniversary Thanksgiving mall show ng Bubble Gang cast sa November 19, 5 p.m., sa Market! Market!, Taguig City.
SCENE: Pinigilan ni Richard Gomez na mairita kahapon nang ma-delay ang lipad ng eroplano na sinakyan niya dahil sa runway traffic, bumalik sa tarmac ang eroplano dahil may problema ito.
- Latest