Andre naiipit kina Barbie at Yassi
Ang guwapo talaga ni Andre Paras dahil tila naiipit siya sa dalawang babae ngayon – ang kanyang kapareha sa The Half Sisters na si Barbie Forteza at sa kanyang ka-loveteam sa bakuran ng Viva at maging sa pelikulang Wang Fam at Girlfriend for Hire na si Yassi Pressman.
Aminado ang panganay ni Benjie Paras sa ex-wife nitong si Jackie Forster na pareho siyang malapit kina Barbie at Yassi pero ayaw niyang mag-comment kung kanino siya mas malapit sa dalawa.
Ang tambalan nina Andre at Yassi ang bagong tinututukan ngayon ng Viva matapos maging matagumpay ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre.
Hindi pa man nililigawan ni Andre si Yassi, marami ang naniniwala na may special something na umano ang dalawa kung ang kanilang mga ikikilos ang pagbabasehan. Wala namang commnent si Benjie kung si Yassi ang magiging girlfriend ni Andre. Pero ang alam ng ama, mas focused ngayon si Andre sa kanyang career at pag-aaral.
Alonzo gusto laging kasama si Coco
Muli na namang pinasaya ni Alonzo Muhlach ang photography studio ni Edward la Cuesta in Quezon City dahil habang nagpi-pictorial ay hindi nito mapigilan ang magsasayaw kapag nakakarinig ng dance music.
Nag-pictorial si Alonzo para sa isa niyang major project na hindi pa umano puwedeng sabihin.
Nanghinayang ang bunso ni Niño Muhlach na hindi siya natuloy na mapasama sa Ang Probinsyano TV series ni Coco Martin at maging sa sisimulang TV series nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na Written In Our Stars dahil binago umano ang script.
Matagal-tagal na ring hindi napapanood si Alonzo sa isang bagong TV series matapos magtapos ang Inday Bote at Wansapanataym Presents: Yamishita Treaures na tinampukan nina Coco Martin at Julia Montes.
Gustung-gusto pa naman sana muling makasama ni Alonzo ang kanyang Kuya Coco na kasama rin niya sa MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na Beauty and the Bestie na pinamamahalaan ng box-office director na si Wenn Deramas.
Derrick bida na rin sa pelikula
Hindi ikinakaila ng Kapuso young actor na si Derrick Monasterio na magkahalong excitement at kaba ang kanyang nararamdaman ngayong malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang kanyang kauna-unahang indie movie na kanyang pinagbibidahan, ang Babaylan: Silip sa Nakaraan na dinirek ni Allan Peter Mariano under Optimum Minds.
Role ng isang scholar, writer, at researcher na si Lawrence ang ginagampanan ni Derrick na tinatampukan din nina Nikki Valdez, Neil Coleta, Channel la Torre, Ping Medina, Patani Dano at iba pa.
Si Derrick ay isa sa mga fast rising young actors sa bakuran ng GMA.
Maine malamang bigyan din ng endorsement ni Ben Chan
Si Alden Richards ang bagong addition sa mga endorser ng Bench na pag-aari ni Mr. Ben Chan.
Kung si Liza Soberano ang pinakabagong mukha ng Kashieca na pag-aari rin ng Bench, hindi kami magtataka kung maging bagong karagdagan dito si Maine “Yaya Dub” Mendoza o baka naman kunin siya para sa ibang produkto ng Bench.
- Latest