MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko, mensahe ng GMA sa 2015 Christmas campaign
MANILA, Philippines – Inilunsad ng GMA Network ang Christmas campaign na MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko kagabi, November 12, sa 24 Oras.
Kasama ang mga pinaka-maningning na Kapuso artists at pinaka-pinagkakatiwalaang News and Public Affairs personalities, nasa sentro ng selebrasyon ng Kapuso Network ang mensahe ng pagmamahalan at pagbibigayan ngayong Pasko.
Inihalintulad ng kilalang direktor na si Cesar Cosme na siyang nag-direk ng station ID sa “genuine and pure love” ng isang bata ang mensahe ng naturang campaign.
Nais ipahatid ng Kapuso Network na ang kapaskuhan ay panahon para magmahalan.
Bahagi ng GMA Christmas station ID ang ilan sa pinakamalaking artista ng Network tulad nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, AiAi de las Alas, Lovi Poe, Heart Evangelista, Michael V, Willie Revillame, Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Megan Young, Carla Abellana, Barbie Forteza, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Andre Paras, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, at German Moreno.
Tampok din sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at iba pang Dabarkads gayun din ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, kasama sina Lola Nidora, Lola Tidora at Lola Tinidora.
Kasama rin ang GMA News and Public Affairs team sa pangunguna ng GMA News pillars na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Jessica Soho, Vicky Morales, Arnold Clavio at Howie Severino.
Mula sa mga eksenang sumasalamin sa tradisyon at masasayang tagpo kasama ang mga mahal natin sa buhay, ipinapakita sa Christmas Station ID ng GMA ang isang Paskong maituturing na tunay na Pinoy at tunay na Kapuso.
Kaya’t sa darating na kapaskuhan, hinahangad ng GMA Network na maisapuso ng mga manonood sa buong mundo ang mensaheng – MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko.
Ang Christmas station ID theme song ay inawit ng Pambansang Bae na si Alden Richards; ang liriko ay isinulat nina Brian James Camaya at Clare Yee habang ang musika naman ay inilapat ni Simon Tan.
- Latest