Angelica at John Lloyd hindi na nagkaka-oras sa isa’t isa; Bossing Vic walang birthday gift kay Pauleen
PIK: Pagkatapos mag-file ni Liz Uy ng 11 million-worth na kasong Online Libel and Grave Slander laban sa blogger na si Michael Sy Lim ng Fashion Pulis, naglabas ang huli ng statement bilang sagot sa ginawa ng naturang stylist.
Narito ang kabuuan ng pahayag na inilabas sa kanyang blog; “Nalulungkot ako na isang publikong personalidad katulad ni Liz Uy ay piniling magsampa ng kaso laban sa akin.
“Ang kanyang tingin ng pagsira sa kanya ay base sa isang totoo at tapat na obserbasyon ukol sa kanyang pagdadamit kay Ms. Maine Mendoza ng AlDub na hindi lang ako ngunit marami rin ang nakapuna.
“Iisa lang ang mundo na aming ginagalawan at bilang siya ay nasa mata ng publiko, masama ba para sa ordinaryong tao, manunulat at jorno na ipunto sa publiko ang mga balidong obserbasyon? Ako at ang iba pang blogger at jorno sa internet ay hindi dapat takutin sa pamamaraang kanyang pinili na pagkitil sa malayang pamamahayag at pananalita. Haharapin ko ang kaso ng buong tapang dahil walang mapapatunayan na ako ay may masamang intensyon dito.
“Pinag-aaralan na rin ng aking abugado ang pag-file ng ‘malicious prosecution’ na kaso at danyos sa pagkitil ng ating karapatan na malayang makapamahayag.”
PAK: May rason talaga si Dingdong Dantes na magtampo na hindi sa kanya ibinigay ang project na Honor Thy Father na napunta kay John Lloyd Cruz.
Nung nabasa ni Dingdong ang script, hiningi niya kina Dondon Monteverde at direk Erik Matti ang naturang project pero kay John Lloyd pa rin ito ibinigay.
Tamang-tamang acting vehicle ang naturang pelikula, dahil lumutang talaga rito ang galing ni John Lloyd. Kaya puwede talaga siyang manalong Best Actor sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Pero ang ipinalabas sa opening ng Cinema One Originals ay aayusin pa raw na babagay sa MMFF. Hindi na rin Honor Thy Father ang title kundi ang dating Conman ang gagamitin.
Sa screening ng naturang pelikula nung nakaraang Linggo, tinanong namin sa kanya kung paano nila sinilebrayt ang kaarawan ni Angelica Panganiban.
“Pareho kaming medyo busy ngayon, kaya siguro sa tamang pagkakataon eh. Magkaroon lang ng pagkakataong makapag-celebrate kaming dalawa,” sagot sa amin ng Kapamilya actor.
BOOM: Kahapon naman ay sinilebrayt ni Pauleen Luna ang 27th birthday niya at medyo senti sa kanyang parents dahil iyun na ang huling birthday niya na single.
Wala naman silang handaan, at nagkaroon lang daw sila ng dinner kasama ang parents niya.
Hindi kasama si Bossing Vic Sotto dahil nasa shooting ito ng My Bebe Love.
Pero sabi ng Mommy ni Pauleen, baka dadaan daw sila sa shooting pagkatapos nilang mag-dinner.
Sabi ni Pauleen, wala raw birthday gift sa kanya si Bossing dahil hindi naman daw sila mahilig sa bigayan ng regalo.
Kamakailan lang ay nag-celebrate sila ni Bossing ng kanilang 4th anniversary at advance na rin nila sinilebrayt ang kanyang kaarawan.
- Latest