Wagi sa PBB 737 Miho at Jimboy nabawas sa maraming mahihirap sa ‘Pinas
Nabawasan ang napakaraming mahihirap sa Pilipinas sa pagwawagi ng isang Pinay entertainer sa Japan at isang kabataang rapper sa edisyon ng Pinoy Big Brother 737. Kung magpapatuloy ang kanilang suwerte ay baka maungusan pa nila ang maraming sikat na artista ngayon na nagsimula sa nasabing reality show (Kim Chiu, Gerald Anderson, Sam Milby, Ejay Falcon, James Reid, Myrtle Sarrosa, Melai Cantiveros, BB Gandanghari).
Sa kanyang panalo ay baka hindi na balikan ni Miho Nishida ang kanyang trabaho sa Japan at dito na lamang magnegosyo. Baka tanggapin din siyang artista ng maraming sumusubaybay ng lokal na showbiz. Malay din natin, baka yumabong ang frienship na nabuo sa pagitan nila ni Tommy Esguerra at maging part 2 sila ng tambalang Melai Cantiveros/Jason Francisco.
Obvious na marami siyang followers. Halos kinopo na niya ang mga boto ng texters para makuha ang championship ng PBB 737. Nakakuha siya ng 81.96% na boto samantalang ang kalaban niyang si Tommy ay 18.04%.
Si Jimboy Martin naman ang naging Teen Big Winner na nakakuha ng 56.76% ng mga boto laban sa Second Teen Big Placer na si Ylona Garcia, na nagkamit ng 43.24%.
Parehong nagwagi sina Jimboy at Miho ng Asian tour package, house and lot, at P1 milyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa sampung taon ng “PBB” na dalawang Big Winners ang itinanghal sa iisang Big Night.
Kung magagawan naman ng paraan nina Tommy, Bailey May, at Ylona ang kanilang kakapusan sa pagsasalita ng Tagalog, baka pwede silang mag-artista.
Programa ni Kris nagiging cooking show na
Kapag nanonood ka ng Kris TV, makikinita sa isip mo ang parang walang sawang pangungumbinse ni Kris Aquino na mag-ipon. Kaya nga wala siyang problema at paki na mawalan ng trabaho dahil nakapaghanda na siya para sa kanyang sarili at para rin sa dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.
Lately ay marami ang nakakapuna na sa pagluluto nabubuhos ang oras ng programa. Bagaman at appreciated ng manonood ang mga aral na ibinabahagi ng show para makapaghanda sila ng mga ulam na itinuturo sa programa, miss na nila ‘yung mga interview ni Kris sa kanyang mga bisita kung saan ay nakakauna siya sa mga dyaryo at tabloid ng pagkuha ng mga scoop. Miss na rin nila ‘yung ginagawa niyang pagpasyal sa mga celebrity houses.
Eddie Garcia hindi basta-basta ang role sa THS
Mas malaki pala ang role ni Eddie Garcia sa The Half Sisters kaysa sa mga naunang pakilala sa kanya bilang dating asawa ni Gloria Romero at ama ng namatay na character ni Cherie Gil. Nadidiskaril lang ang manonood kung saan magtutuon ng kanilang pansin. Kung sa magandang pakita nito sa pinaghihigantihang pamilya ni Rina (Jean Garcia) o sa kung gagaling pa si Bradley (Andre Paras) sa kanyang malubhang sakit? O tuluyan na itong mawawala sa serye in favor of Ruru Madri?
Ano nga kaya ang gagawin ng GMA para mapagbigyan ang mga manonood ng THS ngayong aabot pa ang pagpapalabas hanggang sa 2016?
Sarah gusto rin mag-grow ang acting career
Tama lang na at this point in he career ay gustuhin ni Sarah Geronimo na mabigyan ng malalalim na roles. Tama na ‘yung paulit-ulit na paggawa ng mga rom-com na bagaman at maituturing nang comfort zone niya ay hindi naman siya nare-recognize bilang aktres.
Buti pa sa pagkanta ay talagang malayo na ang narating niya, pero bilang artista ay wala pa siyang maipagmamalaki.
Oo nga at rumereyna siya sa box-office, pero may gusto pa siyang gawin. At ito ang paghahandaan niya pagkatapos na pagkatapos ng kanyang From the Top concert na magaganap sa Dec. 4 & 5 sa Araneta Coliseum.
- Latest